infolinks

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bibliya. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Bibliya. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Setyembre 30, 2015

MALILIGTAS BA ANG MGA NATIWALAG SA IGLESIA NI CRISTO? ANO NAMAN ANG MANGYAYARI SA MGA KUSANG LUMABAS O ITINIWALAG ANG SARILI?

(c) Bro. Jose Ventilacion
Kamakailan ay may mga natiwalag sa Iglesia na ang paniniwala ay maliligtas din sila sa kaparusahan pagdating ng Araw ng Paghuhukom. Ang akala naman ng iba ay maliligtas din sila dahil sa hindi naman daw sila itiniwalag kungdi kusa silang tumiwalag. Gayunman, ang mga itiniwalag at kusang tumiwalag ay pareho ang kalagayan: nasa labas sila ng tunay na Iglesia. May kaligtasan ba sa mga nasa labas? Ano naman ang sinasabi ng Biblia sa mga nasa labas ng Iglesia?
Ayon sa 1 Corinto 5:13, ibinilin ng Diyos sa Pamamahala ng Iglesia na “alisin nga ninyo sa inyo ang masamang tao” (DS). Ang katumbas ng “alisin” ay “itiwalag” ayon sa saling MB.
Ikinakatuwiran ng mga itiniwalag na hindi raw sila kabilang sa “masasamang tao” dahil para daw sa ikabubuti ng Iglesia ang kanilang layunin at ipinakikipaglaban o itinataguyod. Subalit alam naman natin na kahit ano pa ang kanilang ikinakatuwiran – na hindi sila masama – kaya sila itiniwalag ay mayroon silang ginawang masama. Ititiwalag ba sila sa Iglesia kung tama ang kanilang ginawa? Mali ba ang ginawa ng Pamamahala na sila ay alisin sa kalipunan ng mga matuwid? Tama ba ang kanilang ginawa?
Ang paghihimagsik ba laban sa Pamamahala ay mabuti o masama? Mabuti ba ang paghahasik ng pagkakabaha-bahagi? Mabuti bang gawa ang paninirang-puri sa mga ministro at mga manggagawa? Mabuting gawa ba ang paghikayat sa mga kapatid na huwag na silang sumamba o kaya ay huwag nang mag-abuloy? Mabuti bang gawa ang sabihin sa mga kapatid na huwag na silang tumulong sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos
Ang mga nahulog sa mga kasalanang binanggit ko sa itaas ang dahilan kaya sila ay natiwalag sa Iglesia. Kaya, bagamat naghuhugas sila ng kamay at nangangatuwiran na “mabuti” daw ang kanilang ginawa, ang mga natiwalag ayon sa Biblia ay hindi mga mabubuting tao kungdi mga “masamang kasamahan” (1 Corinto 5:13 NPV).
Ayon din sa talatang ito, ang mga nasa labas ay may hatol. Ano ang hatol sa mga nasa labas ayon kay Cristo? Ang mga hindi nanatili ay masusunog sa apoy (Juan 15:6). Kailan? Sa Araw ng Paghuhukom ayon sa 2 Pedro 3:7, 10.
Ang ikinakatuwiran naman ng iba ay: “tao lang ang nagtiwalag sa amin, hindi ang Diyos, kaya maliligtas pa rin kami.” Dahil ba sa ang Pamamahala na nagtiwalag sa kanila ay tao, nangangahulugan nang hindi sila itiniwalag ng Diyos? Paano ba nagtitiwalag ang Diyos ng mga masasama? Siya ba mismo ang mananaog sa lupa para sabihin ng personal sa mga masasama na sila ay itinitiwalag?
Sa panahon ng unang Iglesia, sino ba ang nag-utos na ang bilin niya ay “itiwalag ninyo ang masamang kasamahan ninyo”? Diyos ba ang nagsalita sa talatang ito o tao lang? Ang sumulat ng talatang ito ay si Apostol Pablo. Siya ay tao. Subalit siya ba ang nag-utos ng isinulat niya?
Ang sabi pa niya ay “Ganito ang sabi ng Kasulatan.” Samakatuwid, ang utos na ito ay may pinanggalingang kasulatan. Aling kasulatan ang sinipi ni Apostol Pablo? Ang utos ng Diyos sa pamamagitan ni Moises na nakasulat sa Deuteronomio 17:7 (NPV), na ganito ang sinasabi:
“DAPAT ALISIN SA KALIPUNAN NINYO ANG MGA TAONG MASASAMA.”
Kaya, ang isinulat ni Apostol Pablo na “ALISIN NGA NINYO SA INYO ANG MASAMANG TAO.” (1 Corinto 5:13 DS) o "ITIWALAG NINYO ANG MASAMANG KASAMAHAN NINYO" (1 Corinto 5:13 MB) ay utos ng Diyos na nakasulat sa Biblia sa panahon pa lamang ni Moises.
Sino ang kinasangkapan ng Diyos noong una para matupad ang utos Niya na ALISIN o ITIWALAG ang mga masasamang tao sa bayan Niya? Ganito ang sinasabi ng Kasulatan sa Bilang 16:23-27 NPV:
23 Sinabi ng PANGINOON kay MOISES. 24 “Sabihin mo sa kapulungang lumayo kina Core, Datan at Abiram.” 25 Pinuntahan ni Moses sina Datan at Abiram. Sumunod sa kanya ang matatanda sa Israel. 26 Sinabi niya sa kapulungan, “lumayo kayo sa tolda ng mga suwail na ito! Huwag ninyong sasalingin man lang ang anumang ari-arian nila pagkat pati kayo’y malilipol dahil sa kanilang mga kasalanan.” 27 Lumayo nga sila sa tolda ni Core, Datan at Abiram. Sina Datan at Abiram ay nakatayo sa pintuan ng kani-kaniyang tolda, kasama ng kani-kanilang asawa’t mga anak.
Ang Panginoong Diyos ay inutusan si Moises kasama ang mga matatanda sa Israel. Sinabihan niya ang kapulungan na lumayo o humiwalay sa mga suwail na sina Core, Datan, at Abiram. Ang terminong SUWAIL sa NPV ay isinalin na MASASAMANG TAO (DS) o UBOD NG SASAMA (MB).
Kaya ang Diyos ang may utos ng pagtitiwalag at hindi ang tao. Kapag may itinitiwalag sa Iglesia ay maling isipin na tao lang ang nagtitiwalag. Ginagamit ng Diyos ang Pamamahala na inilagay Niya sa Iglesia upang ito ay isagawa. Ganiyan ang ginawa Niya noong una, ginamit ng Diyos ang taong si Moises para sabihin ang Kaniyang pasiya na humiwalay ang Kaniyang bayan sa mga suwail o masasamang tao, kaya ganito din ang ginagawa Niya ngayon sa Iglesia.
Kung ang lider noon ng bayang Israel ay si MOISES, ngayon naman ay si Kapatid na EDUARDO V. MANALO. Kung may mga kasamang MATATANDA si Moises, mayroon ding kasamang matatanda si Ka Eduardo na ang tawag ay SANGGUNIAN. Subalit tandan natin na hindi ang mga matatanda ang nagsalita sa kapulungan kungdi si Moises. Sa panahon naman natin, si Kapatid na Eduardo ang nagsalita sa pamamagitan ng circular letter o sulat niya sa lahat ng mga Iglesia Ni Cristo na itinitiwalag ang mga masasamang tao sa Iglesia. Iniutos din niya sa atin na humiwalay sa mga suwail batay sa utos ng Diyos na nakasulat sa Biblia:
9 Hindi pinananahanan ng Diyos ang sinumang lumalabis sa halip na mananatili sa turo ni Cristo. Sinumang nanatili sa turo ay kinaroroonan ng Ama at ng Anak. 10 Huwag ninyong papapasukin o tatanggapin sa inyong bahay ang sinumang lumalapit na hindi ito ang dalang aral. 11 Sinumang magpatuloy sa kanya ay nakikihati sa kanyang masamang gawa (2 Juan 1:9-11 NPV).
Pinarusahan ng Diyos noon ang mga suwail o masasamang tao pagkatapos na sila ay mahiwalay sa kapulungan ng Israel. Bumuka ang lupa at nilamon ng lupa ang sambahayan ni Core at ang kaniyang mga pag-aari (Bilang 16:31-33). Bumaba ang apoy mula sa langit at sinunog ang 250 saserdote na nagsusunog ng kamangyan (talatang 35). Ano naman ang gagawin ng Diyos sa mga natiwalag sa panahon natin?
ANO ANG PARUSA SA MGA NATIWALAG?
Ayon din sa 1 Corinto 5:13, ang mga nasa labas ay may hatol. Ano ang hatol sa mga nasa labas ayon kay Cristo? Ang mga hindi nanatili ay masusunog sa apoy (Juan 15:6). Kailan? Sa Araw ng Paghuhukom ayon sa 2 Pedro 3:7, 10.
Sa mga natiwalag kamakailan, nais ba ninyong sapitin ang ganitong kapalaran? Kung nais ninyong maligtas, magbalikloob kayo sa Diyos. Magpilit kayong pumasok na muli sa loob ng Iglesia para kayo maalis sa kalagayang may hatol. Huwag ninyong dayain ang inyong sarili sa paraang iniisip ninyo na maliligtas din ang nasa labas ng Iglesia. Wala kayong mababasa sa Biblia na kapag nasa labas ay may kaligtasan. Ang kailangan ay makabalik kayo sa loob ng Iglesia at matiyagang manatili hanggang sa wakas upang kayo ay maligtas (Mateo 24:13).
ANO NAMAN ANG KAPALARAN NG MGA NAGTIYAGA NA MANATILI SA IGLESIA NI CRISTO PAGDATING NG ARAW NG PAGHUHUKOM?
“Sa panahong iyon ay tatayo si Miguel, ang dakilang pinuno na tagapag-ingat ng iyong bayan. At magkakaroon ng panahon ng kaguluhan na hindi pa nangyari kailanman mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong iyon. Ngunit sa panahong iyon ay maliligtas ang iyong bayan, bawat isa na ang pangalan ay matatagpuang nakasulat sa aklat” (Daniel 12:1 ABAB).
Ang panahon ng kaguluhan ay ang Araw ng Panginoon o Araw ng Paghuhukom (Zefanias 1:14-18; 2 Pedro 3:7, 10). Ang bayan ng Diyos sa mga huling araw na ito o sa panahong malapit na ang wakas o sa “mga wakas ng lupa” ay ang Iglesia Ni Cristo na lumitaw sa Pilipinas sa bisa ng mga hula at sa pagsusugo ng Diyos kay Kapatid na FELIX Y. MANALO (Isaias 62:11-12; 43:5-6; 41:9-10). Kaya ang mga nasa loob ng Iglesia Ni Cristo ang mga maliligtas at hindi ang mga nasa labas o natiwalag.
Sinong nasa bayan ng Diyos ang maliligtas? Sapat na bang nabautismuhan lang sa Iglesia Ni Cristo? Hindi. Ang mga maliligtas na Iglesia Ni Cristo ay ang mga kaanib na ang pangalan nila ay matatagpuang nakasulat sa aklat. Ito ang AKLAT NG BUHAY.
Burahin Ninyo ang pangalan nila sa Inyong Aklat ng Buhay; hindi sana sila masama sa mga matuwid (Awit 69:28, Buhay na Salita).
Itala mong lahat ang kanilang sala, Sa mangaliligtas, huwag silang isama (Awit 69:27 NPV).
Ang mga natiwalag sa Iglesia ay binura o inalis ang kanilang mga pangalan sa aklat ng buhay sa langit kaya hindi sila maliligtas. Ayon sa Biblia ay itatapon sa apoy ang hindi nakasulat sa aklat ng buhay (Apocalipsis 20:15). Ang Diyos mismo ang nag-aalis ng mga pangalan nila sa aklat (Exodus 32:31-33).
SA MGA NASA LOOB NA NG IGLESIA NI CRISTO, NAIS BA NINYONG MANATILING NAKATALA SA AKLAT NG BUHAY?
Ano ang isa sa mga gawaing nilalahukan ng mga masisiglang Iglesia Ni Cristo, na kapag nagpagal sa gawaing ito ay tinitiyak ng Biblia na maliligtas dahil ang kanilang pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay? Basahin natin ang ipinahayag ni Apostol Pablo:
Ipinapakiusap ko rin naman sa iyo, tapat kong kasama, na tulungan mo ang dalawang babaing ito. Sila man ay kasama kong nagpagal sa pagpapalaganap ng Magandang Balita, kasama si Clemente at ang iba pang kamanggagawa ko. Ang pangalan nila’y nakasulat sa aklat ng buhay (Filipos 4:3 BMB).
Ang pagpapagal para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ay hindi isang kalugihan para sa mga tunay na Iglesia Ni Cristo sapagkat tiniyak sa Biblia na ang mga nagpagal sa gawaing ito, kasama ng mga ministro at mga manggagawa sa Iglesia Ni Cristo, ay tiyak na maliligtas dahil sa ang kanilang mga pangalan ay nakasulat sa aklat ng buhay.
Ang mga natiwalag ay tiyak na hindi na sasama sa gawaing ito dahil sa wala naman silang pagkakilala na maliligtas ang mga papasok at mananatili sa Iglesia Ni Cristo hanggang sa wakas. Ang iba nga ay nang-uupat pa at sinasabi na nagsasayang lang tayo ng panahon kapag tayo ay sumasama sa mga gawain. Ang hindi nila alam ay ginagamit sila ng diablo upang hadlangan ang gawaing pagliligtas. Sino ba ang ayaw na ang tao ay maligtas? Di ba ang diablo? Papayag ba tayo, mga kapatid, na mahadlangan ng diablo?
Sa darating na September 26, 2015 ay isasagawa natin ang pambuong mundo na pagpapalaganap ng ebanghelyo na pangungunahan ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na EDUARDO V. MANALO. Makikipagkaisa ba kayo sa gawaing ito? Sana, tayong lahat ay tumugon sa panawagan ng Pamamahala na mag-anyaya ng maraming mga tao na makapakinig ng dalisay na aral ng Diyos upang sila ay makasama natin sa tunay na Iglesia at magtamo ng biyayang kaligtasan. (2023)

ANG PAGBABAWAL BA UKOL SA PAGKAIN NG DUGO AY NAGPATULOY HANGGANG SA PANAHONG CRISTIANO?

Ang mga kumakain ng dugo o ng dinuguan ay gumagamit din ng mga talata ng Biblia para ipakitang may batayan din ang kanilang ginagawa. Ang dalawa sa mga talatang ito ay ang I Corinto 10:25 at Lucas 10:8. Tama ba ang kanilang pagkaunawa sa mga talatang ito? Mabuti ay suriin natin ang mga nilalaman ng mga talatang ito:
25 LAHAT ng ipinagbibili sa pamilihan ay KANIN NINYO, at huwag kayong magsipagtanong ng ano man dahilan sa budhi (1 Corinto 10:25).
8 At sa alin mang bayan na iyong pasukin, at kayo'y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo: (Lucas 10:8).
Hindi natin tinututulan ang mga nakasulat sa I Corinto 10:25 at Lucas 10:8. Ang tinututulan natin ay ang maling aplikasyon at pakahulugan sa mga talatang ito. Mapapansin na walang binabanggit sa mga talatang ito na may direktang tagubilin si Cristo at si Apostol Pablo na kanin ang dugo. May nabasa ba tayong terminong “dugo” sa mga talatang ginagamit nila? Wala.
Kaya ang mga gumagamit ng mga talatang ito ay nagdaragdag sa nakasulat na ito ay bawal ng Diyos ayon sa 1 Corinto 4:6 na ang tagubilin ni Apostol Pablo ay:
“ . . . huwag magsihigit sa mga bagay na nangasusulat; upang ang sinoman sa inyo ay huwag magpalalo ang isa laban sa iba” (1 Corinto 4:6).
Ano ang tinutukoy ng salitang LAHAT sa banggit sa 1 Corinto 10:25 na “LAHAT ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo?” LAHAT NG IPINAGBIBILI NA PAGKAIN, sapagkat hindi naman lahat ng nabibili sa palengke ay pagkain!
Halimbawa, ang muriatic acid ay ipinagbibili din sa pamilihan pero pagkain ba ito? Hindi, ito ay lason. Kakainin mo ba o iinumin mo ba ang muriatic acid dahil sa ipinagbibili ito sa palengke? Ang totoo, kahit nga pagkain pa, pero kapag EXPIRED na o PANIS na ay hindi mo na rin kakainin dahil sa masisira ang tiyan mo, baka malason ka pa at baka madala ka pa sa hospital at kung hindi ka maagapan, gaya ng nangyari sa iba, ay baka mamatay ka pa! Kaya mag-ingat ka sa pagbili mo ng pagkain sa palengke, baka ang mabili mo ay PANIS. Tiyakin mo na talagang ang mabibili mo sa palengke upang kanin ay PAGKAIN.
ANG DUGO BA AY PAGKAIN?
Ang sagot ay HINDI. Ano ang katunayang ang DUGO ay HINDI pagkain? Ang sabi ng Diyos:
“Ngunit ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin” (Genesis 9:4).
Kung ang dugo ay pagkain, bakit hindi ito ipinakakain? Alin ang pagkain? Ang sabi ng Diyos ay ang mga ito ang makakain:
2 At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. 3 Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo (Genesis 9:2-3).
Ang dugo ba ay kasama sa mga ibinigay na pagkain? Sa kasunod na talata ay sinabi ng Diyos: Ngunit ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin (Genesis 9:4).
Kaya ang DUGO ay hindi ipinakakain kahit ito ay nakakain. Ang dugo ay hindi pagkain. Ano pa ang katunayang ang DUGO ay hindi pagkain, kahit na ito ay makakain? Iniutos din sa mga Israelita na:
“Kaya’t aking sinabi sa mga anak ni Israel, Sinoman sa inyo ay huwag kakain ng dugo, ni ang taga ibang bayan na nakikipamayan sa inyo ay huwag kakain ng dugo” (Levitico 17:12).
Ano ang dapat na gawin sa dugo dahil sa ito ay hindi pagkain kahit na ito pa ay nakakain?
“Gayon ma'y makapapatay ka at makakakain ka ng karne sa loob ng lahat ng iyong mga pintuang-daan, ayon sa buong nasa ng iyong kaluluwa, ayon sa pagpapala ng Panginoon mong Dios na kaniyang ibinigay sa iyo: ang marumi at ang malinis ay makakakain niyaon, gaya ng maliit na usa, at gaya ng malaking usa. Huwag lamang ninyong kakanin ang dugo; iyong ibubuhos sa lupa na parang tubig (Deuteronomio 12:15-16).
Ang utos ay IBUHOS sa lupa, hindi sinabing "ibuhos mo sa kaserola, dagdagan mo ng bigas, bawang, paminta, sibuyas at iba pa, pagkatapos ay iluto mo at kanin."
Kaya nang nilabag ng mga Israelita ang utos ukol sa pagbabawal ng pagkain ng dugo, ano ang kanilang nagawa sa harap ng Diyos? Paglililo o pagtataksil (1 Samuel 14:32-33).
32 At ang bayan ay dumaluhong sa samsam, at kumuha ng mga tupa, at mga baka, at mga guyang baka, at mga pinatay sa lupa: at kinain ng bayan pati ng dugo. 33 Nang magkagayo'y kanilang isinaysay kay Saul, na sinasabi, Narito, ang bayan ay nagkakasala laban sa Panginoon, sa kanilang pagkain ng dugo. At kaniyang sinabi, Kayo'y gumawang may paglililo: inyong igulong ang isang malaking bato sa akin sa araw na ito.
Sa Bibliang isinalin ng mga scholars na Katoliko at Protestante, ang kahulugan ng “paglililo” ay “malaking kataksilan.”
33 May nagsumbong kay Saul na ang mga tao'y gumagawa ng malaking kasalanan kay Yahweh - kumakain ng karneng may dugo. "Ito'y isang malaking kataksilan! sigaw ni Saul” (Magandang Balita Biblia).
Kaya nagtataksil sa Diyos ang mga kumakain ng dugo!
Ano naman ang ginagawa ng mga kumakain ng dugo para huwag silang mapagbintangan na nagtataksil sa Diyos? BINABRASO, o PINILIPILIT o BINABALUKTOK ng mga kumakain ng dugo ang mga talatang Lucas 10:8 at I Corinto 10:25 para i-justify ang kanilang paggawa ng malaking kataksilan sa Diyos kapag sila ay kumakain ng dugo! Kahit wala silang nabasa sa mga talatang ito na maaari nang kanin ang dugo ay pilit nila itong pinangangatuwiranan.
Ang “burden of proof” ay nasa mga nagsasabing puede nang kainin ang dugo. Saang talata sa Biblia, letra por letra, na ipinag-utos ng Diyos na “kanin ang dugo”? Bakit ang nakikita natin, sa halip na ipag-utos na kanin ang dugo, ay puro pagbabawal ng pagkain nito ang siyang nababasa natin sa Biblia?
Kahit sa panahong Cristiano ay ipinagpatuloy ng Diyos ang pagbabawal ng pagkain ng dugo. Kaya, nang magkaroon ng usapin ang mga unang Cristiano ukol sa mga Gentil ay kasama sa mga iniutos sa mga mananampalatayang Gentil na:
19 Dahil dito'y ang hatol ko, ay huwag nating gambalain yaong sa mga Gentil ay nangagbabalik-loob sa Dios; 20 Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo. 28 Sapagka't minagaling ng Espiritu Santo, at namin, na huwag kayong atangan ng lalong mabigat na pasanin maliban sa mga bagay na ito na kinakailangan: 29 Na kayo'y magsiilag sa mga bagay na inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa mga binigti, at sa pakikiapid; kung kayo'y mangilag sa mga bagay na ito, ay ikabubuti ninyo (Gawa 15:19-20, 28-29).
Paano nila pinipilipit ang utos na magsilayo o magsi-ilag sa dugo para palitawin na maaari na raw kainin ang dugo? Ganito ang naging paliwanag nila:
Ayon po sa Strong's Greek Dictionary, ang ibig sabihin ng "Apechomai" ay 1) to hold one's self off 2) refrain 3) abstain, Sa tagalog ay 1) PIGILAN ANG SARILI 2) TUMIGIL MUNA 3) UMIWAS, Kaya pasensya na po hindi po "Bawal" ang nakasulat doon.
Ang ibinigay niyang meaning ng “abstain” sa Tagalog ay “umiwas” kaya hindi raw “bawal” ang nakasulat sa talata. Ang kaniyang conclusion: hindi bawal ang pagkain ng dugo. Really? Sundan natin ang kaniyang argumento:
Ang terminong “magsiilag” sa talatang 20 ay “abstain” sa Bibliang English. Hindi tayo tutol na ang isa sa kahulugan ng APECHOMAI, na siyang root word ng terminong Greek na APECHESTAI (“they abstain”) ay ABSTAIN, subalit tama ba ang kaniyang pagkaunawa ukol sa kahulugan ng pag-“abstain” o “pag-iwas”?
Abstain means “to refrain deliberately and often with an effort of self-denial from an action of practice” (Webster’s Dictionary).
Kapag sinabing “abstain” o “umiwas” ay may kasamang “self-denial from an action or practice.” Kapag sinabing “abstain from drinking” – hindi ka iinom (ng alak), kapag sinabing “abstain from meat” – hindi ka kakain ng karne.
Kaya ang mga kaibigan nating Katoliko, kapag Biyernes Santo, ay hindi kumakain ng karne dahil ang ikalawang utos ng Iglesia Katolika ay “abstain from meat.” Kaya kapag sinabing “umiwas” ka sa karne, ay “huwag kang kakain ng karne.”
On the side note, ang nakakatawag ng pansin dito ay ang ipinagagawa ng mga paring Katoliko sa kanilang mga kaanib, na kung ano ang utos ng Diyos ay siya namang nilalabag. Ang utos ng Diyos ay maliwanag: “makakakain ka ng karne” at “huwag lamang ninyong kakanin ang dugo” (Deuteronomio 12:15-16). Binaligtad ito ng mga tagapagturong Katoliko. Kapag Biyernes Santo, ang utos sa mga Katoliko ay “huwag kang kumain ng karne” at “ang kainin mo ay ang dugo.” Baligtad ang ginagawa nila, kinokontra nila ang Diyos!
Kaya ipinag-utos ni Apostol Santiago sa mga Hentil na nag-Iglesia ni Cristo na huwag silang kumain ng dugo. Kaya, Hentil man o Hudyo, basta Iglesia Ni Cristo, ay bawal ang pagkain ng dugo.
Ano ang katunayang ang mga Hentil sa panahon ng mga apostol ay mga Iglesia Ni Cristo at hindi sila Katoliko? Ang sabi ni Apostol Pablo ay:
“At ito ang lihim: sa pamamagitan ng Mabuting Balita, ang mga Hentil, tulad ng mga Judio, ay may bahagi sa mga pagpapalang mula sa Diyos; mga bahagi rin sila ng iisang katawan at kahati sa pangako ng Diyos dahil kay Cristo Jesus” (Efeso 3:6 MB).
Pansinin na ang mga Hentil, kasama ng mga Judio, ay “mga bahagi rin ng iisang katawan.” Alin ang iisang katawan? Ayon sa Colosas 1:18, ang Iglesia ay katawan ni Cristo na si Cristo ang Pangulo. Kaya, nang binati ni Apostol Pablo ang mga kapatid na mga Hentil, ano ang pangalan ng Iglesiang kinabibilangan nila? Ganito ang kaniyang pahayag sa Roma 16:16 MB:
Magbatian kayo bilang magkakapatid kay Cristo. Binabati kayo ng lahat ng mga iglesya ni Cristo.
Ang mga sinulatan ni Apostol Pablo na mga taga-Roma ay mga Gentil (Roma 11:13) na mga tinawag ng Diyos (Roma 9:24) sa Iglesia (Colosas 3:15; 1:18) sa pamamagitan ng pangangaral ng ebanghelyo (2 Tesalonica 2:14), kaya ang mga Cristiano na taga Roma sa panahon ng mga apostol ay mga Iglesia Ni Cristo at hindi mga Katoliko gaya ng paniniwala ng iba.
Sa kabilang dako, ang terminong katholikos ay isang Greek term na ang kahulugan ay “universal.” Hindi mula sa Biblia ang pangalang ito kungdi ito ay inimbento ni Ignacio, isang Obispo sa Antioquia (Syria), noong 110 A.D. (matagal nang patay ang mga apostol, tapos na ring nasulat ang Biblia). Ang mga nagpapakilalang Cristiano noon pagkatapos ng panahon ng mga apostol ay tinawag na mga Katoliko.
Bakit kaya puede sa mga kaibigan nating Katoliko ang pagkain ng dugo samantalang ipinagbabawal ito ng Diyos? Ano ang sinasabi ng mga Catholic scholars ukol sa pagbabawal ng pagkain ng dugo? Ayon sa mga Catholic translators ng Douay-Rheim, sa footnote ng Acts 15:29 ay ganito ang kanilang paliwanag:
But this prohibition was but temporary, and has long since ceased to oblige; more especially in the western churches.Ano ba ang mga western churches?
WESTERN CHURCH
1. (Roman Catholic Church) the part of Christendom that derives its liturgy, discipline, and traditions principally from the patriarchate of Rome.
2. (Roman Catholic Church) the Roman Catholic Church, sometimes together with the Anglican Communion of Churches (thefreedictionary.com).
Ang Iglesia Katolika sa Pilipinas ay bahagi ng Roman Catholic Church na bahagi ng Western Churches. Sila pala ang nagpatigil ng pagbabawal ng pagkain ng dugo. Subalit sa Biblia ay wala tayong mababasa na ipinatigil ng mga Apostol ang pagbabawal ng pagkain ng dugo.
Hindi ba totoo na pinayagan na ng Diyos na kanin ang dugo ayon sa Gawa 10:10-16?
10At siya'y nagutom at nagnais kumain: datapuwa't samantalang nangaghahanda sila, ay nawalan siya ng diwa; 11At nakita niyang bukas ang langit, at may isang sisidlang, bumababa, gaya ng isang malapad na kumot, na nakabitin sa apat na panulok na bumababa sa lupa: 12Na doo'y naroroon ang lahat ng uri ng mga hayop na may apat na paa at ang mga nagsisigapang sa lupa at ang mga ibon sa langit. 13At dumating sa kaniya ang isang tinig, Magtindig ka, Pedro; magpatay ka at kumain. 14Datapuwa't sinabi ni Pedro, Hindi maaari, Panginoon; sapagka't kailan ma'y hindi ako kumain ng anomang bagay na marumi at karumaldumal. 15At muling dumating sa kaniya ang tinig sa ikalawa, Ang nilinis ng Dios, ay huwag mong ipalagay na marumi. 16At ito'y nangyaring makaitlo: at pagdaka'y binatak sa langit ang sisidlan.
Ang nasa Gawa Kapitulo 10:10-16 ay hindi dugo ang pinag-uusapan kungdi ang mga hayop, ang mga nagsisigapang at ang mga ibon na itinuturing noon na marumi kaya ayaw kainin ni Apostol Pedro. Ang sabi ng Diyos ay: “ang nilinis ay huwag mong ipalagay na marumi.”
Pansinin na ang tinutulan ni Apostol Pedro ay ang pagkain ng mga hayop, ng mga gumagapang at ng mga ibon, na marumi. Hindi ang tinututulan niya ay ang pagkain ng dugo. Ang mga hayop na noon ay marumi ay nilinis na ng Diyos kaya maaari nang kainin. Walang sinabi ang Diyos kay Apostol Pedro na maaari na niyang kanin ang dugo.
Ano ang katunayang ipinagpatuloy ng Diyos ang pagbabawal ng pagkain ng dugo sa panahong Christiano? Pansinin ang ibinigay ni Apostol Santiago na tagubilin sa harap nina Apostol Pedro, Pablo, Bernabe at mga matatanda sa Iglesia ukol sa mga Gentil :
“Kundi sumulat tayo sa kanila, na sila'y magsilayo sa mga ikahahawa sa diosdiosan, at sa pakikiapid, at sa binigti, at sa dugo.”
Tandaan na kasama si Apostol Pablo sa mga bumalik sa mga Gentil sa Antioquia para basahin ang sulat na ipinadala sa kanila ni Apostol Santiago. Nang sila ay nasa Antioquia na ay binasa nila ang sulat sa harap ng mga Gentil at ito ay ikinagalak nila (Gawa 15:30-31).
Si Apostol Pablo mismo ang nagbilin sa Gawa 21:25 na “Nguni't tungkol sa mga Gentil na nagsisisampalataya, ay sinulatan namin, na pinagpayuhang sila'y magsiilag sa mga inihain sa mga diosdiosan, at sa dugo, at sa binigti, at sa pakikiapid.”
Kaya, ang ibinilin ni Apostol Pablo sa mga Gentil sa Corinto na “LAHAT ng ipinagbibili sa pamilihan ay kanin ninyo,” ang tinutukoy niya ay ang lahat ng mga pagkain, na alam nating hindi kasama dito ang dugo. Alam niyang ipinagbawal sa mga Gentil ang pagkain ng dugo at siya mismo ang nagtagubilin sa kanila ukol dito kaya hindi siya ang unang kokontra sa kaniyang sarili. Hindi si Apostol Pablo ang uri ng ministro na susuway sa utos na ito ng Diyos para sa lahat ng mga tao lalo na sa mga Iglesia Ni Cristo.
Kaya hindi tayo nagtataka kung ang mga kaibigan nating mga Katoliko ay kumakain ng dugo dahil sa ang karamihan ay hindi naman nila nalalaman o nauunawaan na ito ay ipinagbabawal ng Diyos. Sikapin natin silang maanyayahan na dumalo sa ating International Evangelical Mission sa Septenmber 26, 2015 upang magkaroon sila ng pagkakataon na marinig ang mga dalisay na aral ng Diyos na ituturo ng ating Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na EDUARDO V. MANALO. Nawa ay patuloy tayong tulungan ng Diyos para lalong magningning ang Kaniyang katuwiran sapagkat Siya ang may nais na lahat ng mga tao ay makaalam ng katotohanan at maligtas (1 Timoteo 2:3-4). (2023)

TOTOO BA ANG PARATANG NA MAS KINIKILALA NG MGA IGLESIA NI CRISTO SI KAPATID NA FELIX Y. MANALO KAYSA SA ATING PANGINOONG JESUCRISTO?

Ang mga tumutuligsa sa Iglesia Ni Cristo ay umimbento ng mga paratang upang mapigilan ang mga tao na makinig sa mga aral ng Diyos at huwag silang maganyak na magpatuloy ng pagsusuri sa mga aral na itinuturo sa mga nagnanais na umanib sa Iglesia Ni Cristo.
Ang isa sa mga ipinaparatang sa amin ay ang ukol sa pagkakilala namin sa karapatan ni Kapatid na Felix Y. Manalo. Sinasampalatayan ng Iglesia Ni Cristo na siya ang katuparan ng hinuhulaang “anghel” na magmumula sa Silangan sa Apocalipsis 7:2-3. Paano nila pinilipit ang katotohanang ito?
Ang “anghel” daw ay mas mataas sa “tao” kaya si Kapatid na Felix Y. Manalo na anghel ay mas mataas daw sa ating Panginoong JesuCristo. Bakit? Dahil sa sinasampalatayanan natin na si Cristo ay “tao” sa Kaniyang likas na kalagayan (dahil Siya mismo ang nagpatotoo nito sa Biblia nang sabihin niya sa Juan 8:40 na “ako’y TAO na nagsasaysay ng katotohanan”) kaya ang wrong conclusion nila ay mas mataas daw ang pagkakilala natin kay Kapatid na Felix Y. Manalo kaysa sa ating Panginoong JesuCristo.
Tandaan natin na ito ay isang paratang lang at walang katotohanan. Bakit ko sinasabi na ito ay isang paratang lamang at walang katotohanan? Una, wala tayong aral o doktrina na mas mataas si Kapatid na Felix Y. Manalo sa ating Panginoong JesuCristo. Ikalawa, hindi nangangahulugan na dahil si Kapatid na Felix Y. Manalo ay “anghel” ay mas mataas na siya sa ating Panginoong Jesucristo.
Kaya lang nila ito ginagawang “issue” laban sa amin ay dahil sa inililigaw nila ang mga tao na hindi alam kung ano ba ang kahulugan ng terminong “anghel.” Bakit ba si Kapatid na Felix Y. Manalo ay kinikilala naming anghel? Ano ba ang ibig sabihin na si Kapatid na Felix Y. Manalo ay isang anghel? Ang ibig sabihin nito siya ay “Sugo” (ng Diyos) sapagkat ang terminong anghel, na galing sa wikang Griyego, ay “sugo” ang kahulugan sa wikang Pilipino. Maging ang mga autoridad ng Iglesia Katolika ay nagpapatunay ukol dito:
“They are called ‘Angels', from a Greek word which means messenger. The word ‘Angel’, therefore, does not express the nature of these spirits, but rather the offices...” (Crock, Clement H., Discourses on the Apostles’ Creed, New York, Joseph F. Wagner, © 1938, p. 72)
Alam kaya ng mga kaibigan nating Katoliko na nagpaparatang sa amin na ang kahulugan ng salitang “anghel” ay “sugo”? Baka naman sadyang inililigaw lang nila ang mga tao? Alam ba nila na ang terminong “anghel” ay hindi tumutukoy sa kalagayan kungdi sa tungkulin? Kaya, si Kapatid na Felix Y. Manalo ay anghel sapagkat ito ang kaniyang tungkulin: siya ay “sugo” ng Diyos.
PAANO RAW MAGIGING ‘ANGHEL” ANG ISANG TAONG KATULAD NI KAPATID NA FELIX Y. MANALO?
Bakit ito ang kanilang itinatanong? Dahil sa kanilang maling akala na ang tao ay hindi maaaring maging anghel. Ano ang katunayang mali ang paniniwalang ang tao ay hindi maaaring tawaging “anghel”? Sa Biblia ba ay may mga tao na tinawag na anghel?
MGA TALATA SA BIBLIA NA ANG TERMINONG ANGHEL AY TUMUTUKOY SA MGA TAO
Sa Santiago 2:25, ang terminong Griyego na “tous angelous” ay isinalin na “mga sugo” at ito ay tumutukoy sa mga tao na isinugo ni Josue kay Rahab.
Sa Lucas 7:24, ang terminong Griyego na “tōn angelōn” ay isinalin na “mga sugo” at ito ay tumutukoy sa mga tao na isinugo ni Juan.
Sa Lucas 9:52, ang terminong Griyego na “angelous” ay isinalin na “mga sugo” at ito ay tumutukoy sa mga tao na isinugo ng ating Panginoong JesuCristo sa unahan ng Kaniyang mukha at nagsipasok sa isang nayon ng mga Samaritano.
Kaya isang malaking pagkakamali na akalain na ang tao ay hindi maaaring tawaging anghel.
Maging sa Malakias 2:7 ng Douay-Rheims Version (official Catholic version), ang saserdote ay tinawag na “the angel of the Lord of hosts.” Ipinaliwanag din ng mga awtoridad Katoliko sa footnote ang kahulugan ng terminong “angel” sa talatang ito ay:
“2,7: The angel: the minister and messenger…”.
Ang ministro ba ay tao? Oo. Kung gayon, hindi maling tawagin na si Kapatid na Felix Y. Manalo ay anghel sapagkat siya ay isang tao at isang ministro. Lahat ba naman ng tao ay maaaring tawaging anghel? Hindi. Sinong tao ang maaaring tawaging anghel? Ang tao na isinugo ng Diyos.
Sa Mateo 11:7-10 (Douay-Rheims Version), si Juan Bautista ay tinawag na “angel”.
7 And when they went their way, Jesus began to say to the multitudes concerning John: What went you out into the desert to see? a reed shaken with the wind?
8 But what went you out to see? a man clothed in soft garments? Behold they that are clothed in soft garments, are in the houses of kings.
9 But what went you out to see? a prophet? yea I tell you, and more than a prophet.
10 For this is he of whom it is written: Behold I send my angel before thy face, who shall prepare thy way before thee.
Tandaan nating mabuti na si Juan Bautista ay isang tao. Ayon sa Juan 1:6 (BSP) ay ganito ang sinasabi ukol sa kaniya: “May taong sugo ang Diyos – Juan ang kaniyang pangalan.”
Kaya ang Biblia ay nagtuturo ukol sa mga tao na tinawag na anghel. Isang malaking kamangmangan sa panig ng mga tumutuligsa sa Iglesia Ni Cristo ang sinasabi nilang hindi maaaring tawaging anghel ang isang tao na katulad ni Kapatid na Felix Y. Manalo. Subalit, bagamat itinuturo naming anghel si Kapatid na Felix Y. Manalo ay wala kaming itinuturo na mas mataas siya sa ating Panginong JesuCristo.
Gaano kataas ang pagkakilala namin sa ating Panginoong JesuCristo? Kinikilala namin na wala ng iba pang nilalang ang Diyos na mas mataas sa ating Panginoong JesuCristo. Sino ba ang nagtaas sa Kaniya sa ibabaw ng lahat ng mga nilalang? Ganito ang sinasabi sa Biblia:
Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan, Anupat ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa ay maninikluhod at sasamba sa kanya. At ipahahayag ng lahat na si Jesu-Cristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama (Filipos 2:9-11 MB).
Ayon sa Biblia, itinampok o itinaas siya ng Diyos. Lahat ng nilalang ng Diyos ay dapat sambahin ang ating Panginoong JesuCristo. Kaya, lahat ng Iglesia Ni Cristo ay sumasamba sa ating Panginoong JesuCristo, kasama naming sumasamba kay Cristo si Kapatid na Felix Y. Manalo noong siya ay nabubuhay pa. Kaya paano nila ngayon pararatangan ang Iglesia Ni Cristo na mas mataas ang pagkakilala namin kay Kapatid na Felix Y. Manalo? Siya mismo ang nagturo sa amin na dapat naming sambahin ang ating Panginoong JesuCristo.
Ngunit dapat ninyong tandaan na kaya namin sinasamba ang ating Panginoong JesuCristo ay sapagkat utos ito ng Diyos, at ang pagsamba sa kaniya ay sa ikararangal o ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
PAREHO BA ANG KAPANGYARIHAN NG AMA AT NG ANAK?
Magkapantay ba sa kapangyarihan ang Ama at ang Anak? Hindi. Mas mataas ang kapangyarihan ng Ama kaysa sa Kaniyang Anak. Ano ang katunayan mula sa Biblia na mas mataas ang Ama na siyang tunay na Diyos kaysa sa Kaniyang Anak? Ganito ang pagtuturo ni Apostol Pablo:
Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: “Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos.” (Ngunit sa salitang “lahat ng bagay,” maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.) At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan (1 Corinto 15:27-29 MB).
Maliwanag ang sinasabi ng Biblia: “ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos.” Sino ba ang Anak? Di ba ang ating Panginoong JesuCristo? Kanino siya paiilalim? Sa kapangyarihan ng Diyos. Iba ang Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo kaysa kay Cristo na paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos!
Kaya nagkakamali ang mga tagapagturong Katoliko sa kanilang pagtuturo na ang ating Panginoong JesuCristo ay tunay na Diyos. Kailanman ay hindi itinuro ng ating Panginoong JesuCristo na siya ay tunay na Diyos. Ipinakilala niya sa atin nang siya ay manalangin sa Ama na nasa langit na Siya lamang ang “kaisa-isang tunay na Diyos” (Juan 17:3 SNB).
Sinasamba ng mga tunay na Iglesia Ni Cristo ang tunay na Diyos at ang ating Panginoong Jesucristo. Kasama sa mga sumamba sa ating Panginoong JesuCristo si Kapatid na Felix Y. Manalo kaya hindi siya mas mataas kay Cristo.
Kaya, sa mga kaibigan naming mga Katoliko na nakabasa ng paliwanag na ito, sana ay huwag kayong mahadlangan sa inyong pagsusuri sa mga aral na sinasampalatayan ng Iglesia Ni Cristo. Magpatuloy kayo sa pakikinig upang malaman ninyo ang tunay na katotohanan ukol sa Diyos at sa ating Panginoong JesuCristo, maging ang ukol sa pagka-sugo ni Kapatid na Felix Y. Manalo. (2023)

IS IT TRUE THAT THE ROMAN CATHOLIC CHURCH WAS ESTABLISHED BY CHRIST?

An empty claim was made by the Roman Catholic Church when they advertised lately on CNN, in conjunction with the Pope’s visit here in the United States, that it was Jesus Christ himself who established their church. Devoid of biblical evidences to prove this contention, the Catholic Church had to use biblical citations which when examined thoroughly, are going beyond what is written, reading things that are not there in the text. Tradition, instead of the Bible, is their source to highlight their claim.
An example of such claim is the concept that Peter was made Pope by Jesus Christ when he (Peter) was told that “upon this rock I will build my church” (Matthew 16:18). After even reading that verse a thousand times, still you could not find anything in this verse that would tell you Peter is being made a Pope.
In another instance, Jesus told Peter three times to feed his sheep (John 21:15-17). Catholic apologists would go beyond what is written by claiming that Jesus Christ is directly installing Apostle Peter as the Pope! Again, you may read the verses a million times but nothing there in these verses that would make us say that Peter was the first Pope!
There is no question when it comes to the Church built by Christ since the Bible tells us that Christ really established a Church. Was it called the Catholic Church when it was built? No. There is nothing in the Bible that suggests it was called the Catholic Church. In fact, even Catholic authorities themselves admit that it was called the Church of Christ. Let me quote what a Jesuit priest wrote in his book:
5. Did Jesus Christ establish a Church?
Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian Church or the Church of Christ (Cassily, Francis B., S.J., Religion: Doctrine and Practice for use in Catholic High Schools. 12th and Revised edition, Chicago: Loyola University Press, 1934, p. 442-443.).
Francis Cassily points out that this name is from the Bible. Is he correct? Does the Bible really mention of the term Church of Christ? Apostle Paul said:
Take heed therefore to yourselves and to all the flock, over which the Holy Spirit has made you overseers, to feed the church of Christ which he has purchased with His blood (Acts 20:28 LAMSA Translation).
Take note that Apostle Paul mentioned the term “Church of Christ” in this verse. Also the verse says that the Church is the “flock” to be fed with the spiritual food which is the word of God (Matthew 4:4). The same Church was purchased or redeemed by the precious blood of Christ.
WHEN DID THE CHURCH START?
The Church started during Christ’s ministry here on earth. Contrary to what some Catholic and Protestant theologians claim that the Church started only during the day of Pentecost, there was already a “flock” during the time of Christ. He says to them: “fear not, little flock” (Luke 12:32). These are the people who were baptized into the Church as reported by John in his Gospel:
Now when Jesus learned that the Pharisees had heard, “Jesus is making and baptizing more disciples than John” —although it was not Jesus himself but his disciples who baptized (John 4:1-2 NRSV).
Even before the day of Pentecost, around one hundred twenty of them were gathered and they devote themselves to prayer (Acts 1:13-15). This is a proof that there were already disciples or members of the Church even before that day. Luke reported that about three thousand souls were added to the Church during the day of Pentecost (Acts 2:1, 41-42, 47). He likewise reported that the number of the disciples multiplied greatly in Jerusalem (Acts 6:7). The Church encountered a great persecution (Acts 8:1) so they were scattered (vv. 4-5). However, those who were scattered traveled as far as Phoenicia, Cyprus and Antioch spread the gospel so a great number who believed turned to the Lord (Acts 11:19-21). In Antioch, the disciples were first called Christians (v. 26).
Through the ministry of Apostle Paul and his companions, churches or congregations were established in the Gentile world (Romans 16:4, 16). However, there is no report of Apostle Peter being in Rome to give credence to the tradition concocted by Catholic apologists that he went there in Rome and established the Church. It was Apostle Paul who went to Rome since he is an apostle to the Gentiles while Apostle Peter was the apostle to the Jews (Galatians 2:8-9).
DID THE CHURCH ESTABLISHED BY CHRIST CONTINUE TO EXIST AS AN ORGANIZATION THAT UPHOLDS THE TEACHINGS OF GOD?
When Jesus Christ was still here on earth, He warned His disciples that they should be careful not be deceived by the false prophets (Matthew 24:11). Apostle Paul mentioned of those who will not spare the flock after his death (Acts 20:29). He likewise warned the bishops that there will be those who shall arise and speak perverse things to draw away the disciples after them (vv. 17, 30 ASV).
What are these perverse things that the false prophets shall speak in order to draw away the disciples after them? These are the doctrines of the devils mentioned by Apostle Paul in his first letter to Timothy wherein he says:
Now the Spirit manifestly saith, that in the last times some shall depart from the faith, giving heed to spirits of error, and doctrines of devils, Speaking lies in hypocrisy, and having their conscience seared, Forbidding to marry, to abstain from meats, which God hath created to be received with thanksgiving by the faithful, and by them that have known the truth (1st Timothy 4:1-3, Douay-Rheims 1899 American Edition).
Do we find these two (2) doctrines of the devil in the world today? If we do, then the prediction concerning the falling away or the apostasy of the first century Church of Christ indeed came to pass or fulfilled. In my previous public debates with the representatives from the Roman Catholic Church, I asked them a tough question about the doctrines of the devils that Apostle Paul mentioned in 1st Timothy 4:3: “do you have any of these two doctrines?” Although Catholic defenders tried to wiggle out from answering the question, it is quite obvious that these two demonic teachings are found in the Roman Catholic Church. Written below are their acceptance that they are indeed promoting these two doctrines:
“Although celibacy is not expressly enforced by our Savior, it is, however, commended so strongly by Himself and His apostles, both by word and example, that the Church felt it her duty to lay it down as a law. The discipline of the Church has been exerted from the beginning in prohibiting Priests to marry after their ordination.” (Gibbons, James Cardinal. The Faith of our Fathers. New York: P.J. Kennedy and Sons, 1917, p. 328)
“What does the second commandment of the Church order us to do?
It orders us to fast and abstain from flesh meat on certain days of the year.” (A Seminary Professor. Manual of Christian Doctrine: Comprising Dogma, Moral, and Worship. New York: Lassale Bureau, 1949, p. 317)
The Roman Catholic Church prohibits its priests and nuns to marry. There is also a command to her members to abstain from flesh meat in certain days of the year. So, even if they would deny that they are not in custody of the doctrines of the devils, the truth remains that they are upholding these two doctrines.
Even Apostle Peter predicted that:
“But there were also false prophets among the people, even as there shall be among you lying teachers, who shall bring in sects of perdition, and deny the Lord who bought them: bringing upon themselves swift destruction. And many shall follow their riotousnesses, through whom the way of truth shall be evil spoken of” (2nd Peter 2:1-2 DR).
Hence, both Apostle Paul and Apostle Peter explicitly predicted that “false teachers” or “false prophets” will appear to teach lies in order to lead the disciples astray, corroborating the pronouncement made by our Lord Jesus Christ. The true Church of Christ in its genuine form during the time of Christ and the apostles shall be transformed into a Church that upholds false doctrines or teachings after the demise of the apostles. When the apostles were gone, the turning away from the faith predicted by the apostles began to unfold.
You may recall that the disciples or the members of the Church of Christ were first called “Christians” in Antioch. However, a bishop by the name of Ignatius in the year 110 invented the term “Catholic” as another name for the disciples in that city. From that time, the name “Catholic Church” became synonymous with the Christian group until the Council of Trent added the term “Roman” to the name, thereby producing the name Roman Catholic Church. Let us also remember that the Roman Emperor Constantine made Christianity as the religion of the empire in the fourth century and the bishop of Rome became the head of the Catholic Church. A Catholic book says that “The Church is called Roman Catholic because its chief ruler is the lawful bishop of Rome.” (Catholic Catechism. Part II. Catholic Trade School, Manila, 1961, p. 146a).
In 1870, at the First Vatican Council, the name Roman Catholic Church was proposed but it was rejected. The bishops who were assembled then unanimously decided upon this official name: THE HOLY, CATHOLIC, APOSTOLIC, ROMAN CHURCH.
How many Catholics know that the official name of their Church is a complete departure from the name mentioned in the Scripture? It is a name which is a far cry from the term mentioned in the Bible. Jesus Christ and His apostles have nothing to do with that name.
What is the importance of the name of Jesus Christ? Apostle Peter explained:
“Nor is there salvation in any other, for there is no other name under heaven given among men by which we must be saved” (Acts 4:12 NKJV).
Now, tell me, is the Holy, Catholic, Apostolic, Roman Church established by Jesus Christ? If you answered NO, you have understood very well this article. I thank you for reading it and hopefully, it would change your mind to reconsider your position if you are still in accord with the Roman Catholic Church.
Do you want to know more about the true Church of Christ? Please visit iglesianicristo.net
Unless otherwise indicated, Scriptural quotations were taken from the New King James Version.
(c) joe vintelacion (2023)

SI CRISTO BA AY DIYOS DAHIL SA SINASABI SA FILIPOS 2:6 NA SIYA AY NASA ANYONG DIYOS?

Ang mga nagtataguyod ng aral na si Cristo’y Diyos ay ginagamit ang talatang ito para patunayan na tama at may batayan ang kanilang paniniwala tungkol sa likas na kalagayan ni Cristo. Patutunayan natin sa ating gagawing pagsusuri na mali ang kanilang pagkaunawa sa talatang ito. Paano ba isinalin sa Dating Salin ng Biblia ang Filipos 2:6 at sa salin ng Biblia na tinatawag na Magandang Balita?
“Na siya, bagama’t nasa anyong Dios.” (DS)
“Na bagamat siya’y Diyos,” (MB)
Tamang salin ba ang pagkakasalin ng talatang ito sa Magandang Balita? Hindi, maling salin ito, ang tamang salin ay ang nasa Dating Salin ng Biblia. Tandaan nating mabuti na ang Bagong Tipan ay nasulat sa wikang Griyego. Ano ba ang pagkakasulat ng talatang ito sa Greek New Testament?
os en morphe theou uparchon ouch arpagmon egesato to einai isa theo)
Paano ba isinalin ng mga karamihang translators sa English ang talatang ito?
Sa NKJV at iba pa ay “who, being in the form of God, did not consider it robbery to be equal with God,”
Ano ba ang katumbas sa Griyego ng terminong “form” na sa Filipino ay “anyo”? Sa Greek ay MORPHE. Tatlong beses lang ginamit ang terminong ‘yan sa Greek New Testament na pawang ginamit upang tumukoy sa ating Panginoong JesuCristo, Mark 16:12, Filipos 2:6 at 7.
Ano ang pakahulugang ibinigay ng mga Greek lexicographers sa terminong MORPHE?
Ayon kay Vine, “denotes the special or characteristic form or feature of a person or thing” (Vine’s, p. 251)
Ayon naman kay Persbacher ay “form”
At ayon kay Strong’s ay “shape, fig. nature – form
Ano ang kahulugan ayon sa ilang mga Greek grammarians ng terminong MORPHE THEOU?
Ayon pa rin kay Vine ay “Thus in the passage before us morphē Theou is the Divine nature actually and inseparably subsisting in the Person of Christ” (Vine’s, p. 251). Filipino translation: Kaya sa talatang nakalatag sa atin ang morphē Theou ay nangangahulugang ang banal na kalikasan na aktuwal na nananatili at hindi maihihiwalay sa katauhan ni Cristo.”
Kaya sa saling international English Bible ay ganito ang pagkakasalin:
“Though Christ was divine by nature,” Filipino translation: “Bagama’t si Cristo ay banal sa kalikasan.”
Kaya, sa kanilang pagkakaunawa, ang pagiging banal ni Cristo sa kalikasan ay ang pagiging anyong Diyos niya.
Sinasang-ayunan ba ng mga Greek grammarians na ang terminong MORPHE ay katangian ang kahulugan?
Ayon kay Abbott-Smith, ay ganito ang ibinigay niyang pakahulugan sa kaniyang aklat na A Manual Greek Lexicon of the New Testament, p. 296:
MORPHE, form, shape, appearance; in philos. lang. the specific character.
Filipino: anyo, hugis, kaanyuan, sa wikang ginagamit sa pilosopia, isang tiyak na katangian.
Ayon sa Greek dictionary, ang isa sa kahulugan ng terminong MORPHE ay “form” o “shape” Ang tunay na Diyos ba ay may physical na ANYO o PORMANG PISIKAL? Wala, dahil sa ang tunay na Diyos ay WALANG PISIKAL NA ANYO o WALANG PORMANG PISIKAL at iyan ang pinatutunayan ni Moises sa Deut. 4:12:
“At ang Panginoo’y nagsalita sa inyo mula sa gitna ng apoy; inyong narinig ang tinig ng mga salita, nguni’t wala kayong anyong nakita; ang inyo lamang narinig ay isang tinig.”
Bakit ang tunay na Diyos ay walang anyong pisikal o PORMANG PISIKAL? Sapagkat ang tunay na Diyos ay Espiritu ayon kay Cristo sa Juan 4:24: “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.” – na ang kahulugan nito ay “walang laman at mga buto” ayon sa Lukas 24:39.
Ano pa ang pagkaunawa ng mga nagsuri ng terminong MORPHE? Ang MORPHE ay kasingkahulugan ng LARAWAN ayon kay James Dunn sa kaniyang aklat na Christology in the Making: An Inquiry into the Origins of the Doctrine of the Incarnation, sa page 115 ay ganito ang sinasabi niya:
“… it has long been recognized that morphē (form) and eikōn (image) are near synonyms and that in Hebrew thought the visible form of God is his glory.” “…
Filipino translation:
“ … malaon nang kinikilala ang morphe (anyo) at ang eikon (larawan) ay magkasingkahulugan at sa kaisipang Hebreo ang nakikitang anyo ng Diyos ay ang Kaniyang kaluwalhatian.”
Sino pa ang nagpapatotoo na ang terminong MORPHE ay kasingkahulugan ng terminong EIKON? Ayon sa aklat na Vine’s Complete Expository Dictionary of Old and New Testament Words: sa page 319 ay ganito ang sinasabi:
“IMAGE 1. eikōn (1504), As to synonymous words, morphē is ‘the form, as indicative of the inner being.’”
Filipino translation:
LARAWAN 1. eikōn (1504), Sa mga salitang kasingkahulugan nito, morphē ang ay “ang anyo, na tumutukoy sa kalagayang panloob.”
Pinatotohanan ba maging ng mga bible commentators na ang terminong MORPHE ay kasingkahulugan ng terminong EIKON? Ayon sa aklat na The Layman’s Bible Commentary, by Archibald M. Hunter, sa pages 94-95 ay ganito ang sinasabi:
“The ‘form’ is the ‘likeness’ of God (Gen. 1:26). It is a synonym for another Greek word meaning ‘image’ or ‘likeness,’ and both represent the Hebrew used in Genesis.
Filipino translation:
Ang anyo ay ang wangis ng Diyos (Gen. 1:26). Ito ay kasingkahulugan ng isa pang terminong Griyego na ang kahulugan ay “larawan” o “wangis” at kapuwa kumakatawan sa wikang Hebreo na ginamit sa Genesis.
May binabanggit ba sa Biblia na si Cristo ay “image of God” o larawan ng Diyos, kasingkahulugan na Siya ay nasa anyong Diyos? Mayroon, sa 2 Corinto 4:4 ay ganito ang sinasabi ni Apostol Pablo.
4 Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.
Hindi ba ito ang katunayan na si Cristo ay tunay na Diyos dahil sa Siya ay larawan ng Diyos? Hindi ito magagamit na batayan dahil sa ang tao ay nilalang ayon sa larawan ng Diyos (Genesis 1:26-27).
26 At sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis: at magkaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa buong lupa, at sa bawa't umuusad, na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa. 27 At nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Dios siya nilalang; nilalang niya sila na lalake at babae.
Kapag tinanggap natin ang kanilang paliwanag na si Cristo ay tunay na Diyos dahil sa Siya ay larawan ng Diyos, lalabas na LAHAT ng tao ay tunay na Diyos na rin dahil sa lahat ng tao ay nilalang sa larawan ng Diyos!
Sa ano ba kalarawan ng tao ang Diyos? Di ba ang sabi ng Biblia ay walang pisikal na anyo ang Diyos sapagkat Siya ay isang Espiritu? Tama, ang Diyos ay walang pisikal na anyo pero may katangian ang Diyos na sa sentidong ito Niya kalarawan ang tao at ang ating Panginoong JesuCristo. Sa I Pedro 1:15-16, ay ganito ang sinasabi:
15 Nguni't yamang banal ang sa inyo'y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa lahat ng paraan ng pamumuhay; 16Sapagka't nasusulat, Kayo'y mangagpakabanal; sapagka't ako'y banal.
Sa pagiging banal kalarawan ng Diyos ang tao at ang ating Panginoong Jesucristo. Kaya maging noong una pa man, ano ang nais ng Diyos na maging katangian ng tao na Kaniyang nilalang? Maging mga banal at walang dungis sa pag-ibig ayon sa Efeso 1:4.
4 Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig:
Namalagi ba ang mga taong nilalang ng Diyos sa ganitong katangian – banal at umiibig? Hindi, ayon sa Biblia ay lahat ay nangagkasala nga at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios (Rom. 3:23):
23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;
Sino lamang ang nakaabot ng katangiang ito ng Dios – sa pagiging banal? Ang ating Panginoong JesuCristo sapagka’t hindi Siya nagkasala (I Ped. 2:21-22).
21Sapagka't sa ganitong bagay kayo'y tinawag: sapagka't si Cristo man ay nagbata dahil sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang kayo'y mangagsisunod sa mga hakbang niya: 22Na siya'y hindi nagkasala, o kinasumpungan man ng daya ang kaniyang bibig:
Bukod dito, si Cristo ay nagpakita ng katangiang tunay na umiibig sa Diyos. Paano ba ang tunay na pag-ibig sa Diyos ayon sa Biblia? Sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay yaong tumutupad ng kanyang mga utos ayon sa I Juan 5:3 MB:
3 sapagkat ang tunay na umiibig sa Diyos ay yaong tumutupad ng kanyang mga utos. At hindi naman mahirap sundin ang kanyang mga utos,
Ano ang ginawa ni Cristo na nagpapatunay na Siya nga ay tunay na umiibig sa Diyos kaya tinaglay Niya ang katangian na banal at umiibig? Si Cristo ay nagpakumbaba at nagmasunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan ayon sa Filip. 2:8:
8 At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.
Ano ang ginawa kay Cristo dahil sa Siya ay nagpakumbaba at nagmasunurin sa Diyos hanggang sa kamatayan? Si Cristo ay pinadakila ng Diyos ayon sa Filip. 2:9-11:
9 Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan; 10 Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa, 11 At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.
Tandaan nating mabuti na si Cristo ay pinadakila ng Diyos. Iba ang nagpadakila kaysa pinadakila. Tandaan din natin na binanggit sa aklat ni James Dunn na ayon sa kaisipang Hebreo, ang nakikitang anyo ng Diyos ay ang Kaniyang kaluwalhatian. Sa Biblia ba ay binabanggit kung sino ang sinag ng kaluwalhatian ng Diyos?
Ang Anak o si Cristo ang Siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Diyos ayon sa Hebreo 1:2-3.
2 Ay nagsalita sa atin sa mga huling araw na ito sa pamamagitan, ng kaniyang Anak, na siyang itinalaga na tagapagmana ng lahat ng mga bagay, na sa pamamagitan naman niya'y ginawa ang sanglibutan; 3 Palibhasa'y siyang sinag ng kaniyang kaluwalhatian, at tunay na larawan ng kaniyang pagka-Dios, at umaalalay ng lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng salita ng kaniyang kapangyarihan, nang kaniyang magawa na ang paglilinis ng mga kasalanan, may lumuklok sa kanan ng Karangalan sa kaitaasan;
Si Cristo ay ang Sinag at Larawan ng Diyos kaya sinasabi sa Filip. 2:6 na Siya ay nasa anyong Diyos. Hindi ba ito ay katunayan na si Cristo ay tunay na Diyos dahil sa Siya ay ang maningning na sinag ng kaluwalhatian ng Diyos? Hindi pa rin mapagbabatayan na si Cristo ay tunay na Diyos kahit na Siya ay sinag ng kaluwalhatian ng Diyos sapagkat ang lalake man ay hindi lamang larawan kundi kaluwalhatian din ng Diyos ayon sa Biblia. Ganito ang pahayag sa 1 Corinto11:7 (DS).
7 Sapagka't katotohanang ang lalake ay hindi dapat maglambong sa kaniyang ulo, palibhasa'y larawan siya at kaluwalhatian ng Dios: nguni't ang babae ay siyang kaluwalhatian ng lalake.
Ang lalake ba ay Diyos din dahil sa siya ay larawan at kaluwalhatian ng Diyos?
Ano pa ang dahilan kaya si Cristo ay nasa anyong Diyos? Sapagkat Siya ay pinahiran o pinagkalooban ng kapangyarihan ayon sa Gawa 10:38 (DS at MB)
38 Sa makatuwid baga'y si Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; sapagka't sumasa kaniya ang Dios.
38 Ang sinasabi ko'y tungkol kay Jesus na taga-Nazaret. Ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ang Espiritu Santo at ang kapangyarihan bilang katunayan na siya nga ang Hinirang. Sapagkat sumasakanya ang Diyos, saanman siya pumaroon ay gumagawa siya ng kabutihan at nagpapagaling sa lahat ng pinahihirapan ng diyablo.
Nangangahulugan ba na si Cristo ay tunay na Diyos na dahil sa pinagkalooban ng kapangyarihan? Hindi, dahil sa ang Anak ay paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos ayon sa I Cor. 15:27-28 MB.
27 Ganito ang sinasabi ng Kasulatan: "Ang lahat ng bagay ay lubusang pinasuko sa kanya ng Diyos." (Ngunit sa salitang "lahat ng bagay," maliwanag na hindi kasama rito ang Diyos na siyang naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo.) 28 At kapag ang lahat ay nasa ilalim na ng kapangyarihan ni Cristo, ang Anak naman ang paiilalim sa kapangyarihan ng Diyos na naglagay ng lahat ng bagay sa ilalim ng kapangyarihan niya. Sa gayon, lubusang maghahari ang Diyos sa kalahat-lahatan.
Kaya hindi sila magkapantay ng Ama kung ang pag-uusapan ay kapangyarihang taglay ng bawat isa. Inamin ba ni Cristo na hindi nga Niya kapantay ang Diyos? Oo, ang sabi Niya ay “Ang Ama ay higit na dakila kaysa akin” (Juan 14:28 NPV).
28 "Narinig ninyong sinabi ko, 'Aalis ako ngunit babalikan ko kayo.' Kung iniibig ninyo ako, magagalak kayo sa pagpunta ko sa Ama, pagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin.
Ano ang samang ibubunga kapag ginamit na batayan sa pagtuturong si Cristo ay Diyos ang saling MB ng Filip. 2:6? Ayon din sa saling ito, “Na bagamat siya’y Diyos, hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos,” si Cristo daw ay kapantay ng Diyos. Kapag ginamit ang saling ito ay magkakaroon ng kontradiksyon ang talatang ito sa iba pang mga talata ng Biblia!
Anong mga aral ng Biblia ang sasalungatin ng saling ito ng Filip. 2:6 na kapantay ni Cristo ang Diyos? Ang aral na nakasulat sa Isaias 46:5, 9 NPV na ang tunay na Diyos ay walang kapantay at walang katulad. Ganito ang sinasabi ng Kasulatan:
5 "Kanino ninyo ako itutulad o kanino ninyo ipapantay? Kanino ninyo ako ihahambing? 9Alalahanin ninyo ang mga dating bagay, mga bagay noong unang panahon. Ako ang Dios, at wala nang iba pa. Ako ang Dios at walang ibang tulad ko.
Paano isinalin ng mga translators ng Magandang Balita ang Isaias 46:5?
Sinabi ni Yahweh, "Saan ninyo ako itutulad? Mayroon bang makapapantay sa akin?
Kaya ang tunay na Diyos ay walang kapantay sa pagiging tunay na Diyos! Kaya maling salin ang nasa MB na si Cristo ay kapantay ng Diyos. Kaya alin ang tamang salin ng Filipos 2:6? Karamihan ng mga salin sa English at Filipino ay “in the form of God” o “nasa anyong Diyos.”
6 Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios.
Dahil sa si Cristo lamang ang nakapantay sa Diyos sa pagiging banal at umiibig kaya Siya ay nasa anyong Diyos, papaano muling mababalik ang tao sa katangiang ito na hindi niya naabot dahil sa nagkasala ang lahat?
Ayon sa Biblia, kailangan na ang tao ay maging katulad ng larawan ni Cristo ayon sa Roma 8:29.
29 Sapagka't yaong mga nang una pa'y kaniyang nakilala, ay itinalaga naman niya na maging katulad ng larawan ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid:
Paano magiging kalarawan ni Cristo ang tao sa kabanalan? Paano ba magiging banal ang taong nagkasala? Para ang tao ay maging banal, kailangan na siya ay matubos ng dugo ni Cristo ayon sa Efeso 1:4, 7 (DS):
Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig:
Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,
Sino ba ang mga taong tinubos ng dugo ni Cristo na sila ang kalarawan ni Cristo sa kabanalan dahil sa pinatawad na ang mga kasalanan? Ang mga nasa Iglesia Ni Cristo ayon sa Gawa 20:28 (Salin sa Pilipino ng LAMSA Translation):
Ingatan ninyo kung gayon ang inyong mga sarili at ang buong kawan, na dahil dito ay ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga tagapag-alaga, upang pakanin ang Iglesia Ni Cristo na binili niya ng kaniyang dugo.
Paano mananatiling kalarawan ni Cristo sa kabanalan ang mga taong nag-Iglesia ni Cristo? Dapat makita ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katwiran at kabanalan ayon sa Efeso 4:21-24 MB:
21 kung talagang pinakinggan ninyo ang aral niya at naturuan kayo ng katotohanang na kay Jesus. 22 Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, na napapahamak dahil sa masasamang pita. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; 24 at ang dapat makita sa inyo'y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at kabanalan.
Dahil dito, ano ang tinamong karapatan ng mga taong nilinis ng dugo ni Cristo at ano ang biyayang nakalaan para sa kanila? Ang karapatang maglingkod at ang mana na walang hanggan ayon sa Hebreo 9:14-15 (NPV):
14 Gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inihandog sa Dios ang kanyang sarili na walang kapintasan, upang malinis ang ating budhi mula sa gawaing naghahatid sa kamatayan. Sa gayon, makapaglilingkod tayo sa buhay na Dios! 15 Dahil dito, si Cristo ang tagapamagitan sa isang bagong tipan upang ang mga tinawag ay tumanggap ng ipinangakong mana na walang hanggan ngayong namatay siya bilang pantubos sa mga taong nagkasala sa ilalim ng unang tipan.
Sino ba ang mga tinawag na tatanggap ng ipinangakong mana na walang hanggan? Ang mga tinawag upang maging isang katawan ayon sa Col. 3:15, MB:
15 At paghariin ninyo sa inyong puso ang kapayapaang kaloob ni Cristo, sapagkat ito ang dahilan kaya kayo tinawag upang maging bahagi ng isang katawan. Magpasalamat kayong lagi.
Alin ang katawan na doon naroroon ang mga tinawag ng Diyos? Ang Iglesia ang katawan ni Cristo ayon sa Col. 1:18, MB:
18 Siya ang ulo ng iglesya na kanyang katawan . . .
Ano ang pangalan ng Iglesia na katawan ni Cristo? Ang Iglesia Ni Cristo ayon sa Roma 16:16, NPV:
16Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.
Para ang tao ay maging kalarawan ng Diyos, dapat ay nasa loob siya ng Iglesia Ni Cristo, patuloy siya na nagbabagong-buhay at sumusunod sa utos ng Diyos. Sana, ang mga nakabasa ng artikulong ito ay tumugon sa tawag ng Diyos, na sila man ay makapag-Iglesia Ni Cristo para tamuhin nila ang walang hanggang pangako ng Diyos. (2023)