infolinks

Huwebes, Oktubre 1, 2015

Ilan Ang Tunay na Diyos ayon sa Bibliya?

Maraming Relihiyon ngayon ang nagsasabing si Cristo daw ay Diyos. Sa makatuwid, Dalawa na ang Diyos nila? Ang Ama at ang kanyang anak na si Cristo. Ating suriin, ilan ang tunay na Diyos ayon sa Bibliya?
"Kung ang Ama ang iisang Diyos ayon sa inyong doktrina, bakit ang nakasulat sa Awit 82:1 at 6 ay "siya'y humahatol sa gitna ng MGA DIYOS" at "Kayo'y MGA DIYOS".? At bukod dito, Ano naman ang pinagkaiba kung mayroong maraming tunay na diyos? hindi ba masmabuti kung maraming diyos? tulad ng kasabihang "the more the merrier"?"
Awit 82:1,6 "Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan."
Ang salitang "mga diyos" sa talatang ito ay tumutukoy sa mga taong inilagay ng Diyos bilang mga hukom at mga pinuno sa bayang Israel. Sa panahon ng bayang Israel, ang mga hukom ay tinatawag na "mga diyos" bagaman sila ay mga tao. Sila'y tinatawag na "mga diyos" hindi dahil sa sila ay mga tunay na diyos sa kalikasan, kundi sila'y itinalaga ng Diyos upang isagawa ang paghatol ng Diyos sa kaniyang bayan. Ang halimbawa nito ay ang nakasulat sa Exodo 21:6, ganito ang ating mababasa:
Exodus 21:6 "then his master shall bring him unto God, and shall bring him to the door, or unto the door-post; and his master shall bore his ear through with an awl; and he shall serve him for ever." American Standard Version
sa Filipino:
"Kung magkagayo'y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa Dios, at dadalhin siya sa pinto, o sa haligi ng pinto; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas; at paglilingkuran niya siya magpakailan man."
Ganito ang pagkakasalin naman ng King James Version sa ganun ding talata:
Exodus 21:6 "Then his master shall bring him unto the judges; he shall also bring him to the door, or unto the door post; and his master shall bore his ear through with an aul; and he shall serve him for ever." King James Version
sa Filipino:
"Kung magkagayo'y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa mga hukom, at dadalhin siya sa pinto, o sa haligi ng pinto; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas; at paglilingkuran niya siya magpakailan man."
Pansining mabuti na ang salitang "diyos" sa talata ay ginamit upang tumukoy sa "mga hukom". Sa parehong kaparaanan, ang "kapisanan ng Diyos" na binanggit sa Awit 82:1 at 6 ay tumutukoy sa mga hukom ng bayang Israel-at hindi sa maraming mga diyos na para bagang mayroong higit sa isang Diyos. Isa pang katunayan na ang salitang "mga diyos" sa Awit 82:1 at 6 ay tumutukoy sa mga hukom ay ang katotohanan na sila'y hinatulan ng tunay na Diyos na sila ay mangamamatay tulad ng tao:
Awit 82:2,7 "“Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama, Tumigil na ng paghatol na panig sa masasama.
Ngunit tulad nitong tao, lahat kayo’y mamamatay; Katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay." Magandang Balita Biblia
Ang "mga diyos" sa Awit 82:1 at 6 ay hindi maaaring gamitin upang patotohanan lamang ng pagkamarami ng diyos. Ang paniniwala sa maraming diyos ay sumasalungat sa mga itinuturo ng Bibla na mayroon lamang iisang Diyos bagama't maraming tinatawag na mga diyos, sa mga tunay na Christiano ay iisa lamang ang Diyos:
1 Corinto 8:5-6 "Bagamat may sinasabing mga diyos sa langit o sa lupa, at maraming tinatawag na “mga diyos” at “mga panginoon,”
sa ganang atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo’y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya’y nilikha ang lahat ng bagay at sa pamamagitan din niya’y nabubuhay tayo." Magandang Balita
Sapagkat ito ang ipinahayag mismo ng Diyos sa kaniyang mga nilalang:
Isaias 46:9 "Dili-dilihin ninyo Ang matagal nang nakaraan. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, At liban sa akin ay wala nang iba." Magandang Balita
Ang Diyos na ang nagpakilala sa kaniyang sarili na Siya lamang ang dapat nating kikilalaning Diyos at liban sa kaniya ay wala ng iba. Paano kung kumilala tayo ng ibang Diyos maliban sa Ama?
Exodo 20:3 "Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos, maliban sa akin." Magandang Balita
Maliwanag na mahigipit na pinagbabawal ng Diyos sa kaniyang mga lingkosd na kumilala ng ibang diyos maliban sa kaniya. Sapagkat malinaw Niyang ipinahayag na Siya lamang ang Diyos at wala ng iba.
Napakahalaga sa isang tao na magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos. Ayon sa ating Panginoong Jesucristo na ang sumampalataya at kilalanin na ang Ama ang iisa at tunay na Diyos ay may buhay na walang hanggan:
Juan 17:1,3 "Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, "Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya.
Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo." Bagong Magandang Balita
Sa kabilang banda, sa mga taong hindi wasto ang pagkakilala tungkol sa Diyos ay paparusahan:
2 Tesalonica 1:8-9 "Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan."
Ang tunay na Christiano ay kumikilala lamang sa iisang Diyos, walang iba kundi ang Ama lamang sapagkat ito ang itinuro ng Panginoong Jesus at ipinahayag ng Panginoong Diyos. (2023)

9 (na) komento:

  1. Amen..purihin ka Ama..ang nag-iisang tunay na Diyos..

    TumugonBurahin
  2. Juan 17:11
    [11]At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa.

    TumugonBurahin
  3. Ayon nga sa kasabihan hindi mo kayang maglingkod sa dalawang diyos ng sabay dahil maaring mag selos ang isa

    TumugonBurahin
  4. ikaw na rin ang nag sabi na anak ng ama si Cristo ano ba ang ama hndi bat Diyos kung gayon ano anak? maari bang manganak ng kambing ang baka? O, asong manganak ng pusa?

    TumugonBurahin
  5. Juan 17:21-22
    [21]Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang mga tao sa daigdig ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin.
    [22]Ibinigay ko na sa kanila ang karangalang ibinigay mo sa akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na iisa.

    TumugonBurahin
  6. Pakiusap wag nyopong pag kumparahin ang Diyos Ama at Diyos Anak sapagkat silay iisang Diyos lamang

    TumugonBurahin
  7. at sa sinasabi mong "ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay"
    Genesis 1:26
    [26]Pagkatapos, sinabi ng Diyos: “Ngayon, likhain natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis. Sila ang mamamahala sa mga isda, sa mga ibon sa himpapawid at sa lahat ng hayop, maging maamo o mailap, malaki o maliit.”

    baka lang hndi mopa alam may katulong ang Ama sa paglikha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. mali talaga turo niya hindi nya na basa ang John 14:9

      JOHN 14:4-9
      ⁴Nalalaman ninyo ang daan patungo sa lugar na aking pupuntahan.”
      ⁵Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Paano namin malalaman ang daan?”
      ⁶Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.
      ⁷Kung ako'y kilala ninyo ay makikilala rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon siya'y inyong nakikilala at siya'y inyong nakita.”
      ⁸Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at kami ay masisiyahan na.”
      ⁹Sinabi sa kanya ni Jesus, “Mahabang panahon nang ako'y kasama ninyo, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama. Paano mong nasabi, ‘Ipakita mo sa amin ang Ama?’

      Burahin
  8. nabasa nyu na po ang JOHN 14:9?
    basa:
    JOHN 14:4-9
    ⁴Nalalaman ninyo ang daan patungo sa lugar na aking pupuntahan.”
    ⁵Sinabi sa kanya ni Tomas, “Panginoon, hindi namin alam kung saan ka pupunta. Paano namin malalaman ang daan?”
    ⁶Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.
    ⁷Kung ako'y kilala ninyo ay makikilala rin ninyo ang aking Ama. Mula ngayon siya'y inyong nakikilala at siya'y inyong nakita.”
    ⁸Sinabi sa kanya ni Felipe, “Panginoon, ipakita mo sa amin ang Ama, at kami ay masisiyahan na.”
    ⁹Sinabi sa kanya ni Jesus, “Mahabang panahon nang ako'y kasama ninyo, at hindi mo ako nakikilala, Felipe? Ang nakakita sa akin ay nakakita sa Ama. Paano mong nasabi, ‘Ipakita mo sa amin ang Ama?’

    TumugonBurahin