May mga naniniwala na ang ating Panginoong JesuCristo ay Diyos dahil sa binanggit niya sa Juan 10:30 na “Ako at ang Ama ay iisa.” Bagamat hindi niya sinabi sa talatang ito na siya ay Diyos subalit ang naging pagkaunawa ng iba ay Diyos si Cristo sapagkat kung ang Ama ay Diyos at iisa lang sila ni Cristo, parang lumalabas na si Cristo ay Diyos din. Dahil sa hindi namin tinatanggap na si Cristo ay Diyos sa talatang ito, nagiging “stumbling block” ito sa mga inaaanyayahan namin na umanib sa Iglesia Ni Cristo.
Ang isa sa mga may ganitong paniniwala ay si Matet Bergancia, isa sa mga bumabasa ng aking post dito sa Facebook at ang nag-share sa kaniya ng ginawa kong artikulo ay si Kapatid na Joemil Marcellana Mujar. Nasa ibaba ang kaniyang comments pagkatapos niyang mabasa ang pagtalakay ko sa pagkakakilanlan sa tunay na Diyos. Ang sabi niya ay:
Joe Ventilacion, Napakaganda ng pagkakasulat nyo ng paliwanag. Subalit bako bako at di buo. Walang sinabing tuluyan ang biblia tungkol sa trinity. Pero ito ay napapalaman sa maraming nasusulat sa aklat. Sabi nga mismo ni Jesuskristo, marami ang hindi makakaintindi ng sinasabi nya. Kung di ako nagbabasa ng biblia ay napakadali kong maniwala kasi biblical lahat ng nasusulat dito. Pero sabihin mo nga sa akin, pano mo ipapaliwanag itong mga nasusulat sa isaiah 9:6. John 8:24, 8:41-42, 8:54, 8:58, and 10:30? Kung sinasabi mong si Jesus ay walang katauhang Diyos, sinasabi mo na si Jesus ay sinungaling? Napakalaking kalapastanganan. Aralin natin ng buo ang salita ng Diyos wag piliin ang gusto lang maintindihan dahil kung ganyan tayo wala tayong tamang patutunguhan.
Pag-aralan nating mabuti ang talatang ito para maintindihan natin kung ano ba talaga ang tunay na kahulugan ng sinabi ni Cristo na “Ako at ang Ama ay iisa” upang ang mga nag-aakalang si Cristo ay Diyos batay sa talatang ito ay ganap na maliwanagan na hindi ito isang katunayan na ang Ama at si Cristo ay iisa lamang na Diyos. Sangguniin natin ang pagkakasulat nito sa wikang Griyego na siyang orihinal na wika nang isinulat ang Bagong Tipan sa lalong ikalalawak ng ating pagsusuri.
ANG KATUMBAS NG TERMINONG “IISA” SA WIKANG GRIYEGO
Ano ba ang katumbas ng terminong IISA sa wikang Griyego ng Bagong Tipan? Tatlong termino ang katumbas nito: EIS (masculine), MIA (feminine) EN (neuter).
Sa Biblia ay makikita sa Efeso 4:5 ang tatlong terminong ito na ginamit sa isang pagkakaton: eis kurios (one Lord), mia pistis (one faith), en baptisma (one baptism).
Ganito ang pagkakasalin sa Tagalog, sa English at maging sa Spanish:5 Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo (DS).5 one Lord, one faith, one baptism; (New King James Version)5 Hay un solo Señor, una sola fe, un solo bautismo; (DHH)
Sa wikang Pilipino at maging sa wikang English ay hindi kaagad makikita ang pagkakaiba sa gender. Sa wikang Espanol ay dalawang uri ng gender ang ginamit: masculine (un solo) at feminine (una sola) subalit kitang-kita ang pagkakaiba sa wikang Griyego dahil sa tatlong genders ang ginamit dito: masculine, feminine, neuter – eis, mia, hen.
Ano ang terminong Griyego na ginamit sa Juan 10:30? Ang neuter form na “en.” Ganito ang nakasulat sa talata:EGO KAI O PATER EN ESMEN.
Bakit ang ginamit sa Juan 10:30 ay neuter form at hindi masculine o kaya ay feminine? Narito ang paliwanag ng mga bible scholars na nagsuri ng terminong ito:
With the aid of the monotheistic formula the Gospel of John develops the idea of the unity of God and Christ (John 10:30; 17:11,21,22,23). (from Exegetical Dictionary of the New Testament © 1990 by William B. Eerdmans Publishing Company. All rights reserved.)
Kaya ginamit ang neuter form ay upang ipakita ang PAGKAKAISA ng Diyos at ni Cristo. Bakit hindi ginamit ang masculine form? Dahil kapag ito ang ginamit, lalabas na iisa lang sa kalagayan ang Ama at ang Anak na ito ay mali. Bakit naman hindi sila iisa sa kalagayan? Sapagkat ang Ama ay espiritu (Juan 4:23-24) samantalang ang Anak ay tao na may laman at buto (Juan 8:40; Lukas 24:39).
Bakit hindi ginamit ang feminine form? Sapagkat ang Ama at ang Anak ay parehong kabilang sa masculine gender.
Paano isinalin ang talatang ito sa ibang mga English translations?
My Father and I are united (The Plain English Bible).
Ang aking Ama at ako ay nagkakaisa.
Ang aking Ama at ako ay nagkakaisa.
I and my Father are of one accord (Lamsa Translation).
Ako at ang aking Ama ay nagkakaisa.
Ako at ang aking Ama ay nagkakaisa.
And I am one with the Father (Contemporary English Version).
At Ako ay kaisa ng Ama.
At Ako ay kaisa ng Ama.
Kaya ang pagkakagamit ng terminong IISA ay upang ipakita ang pagkakaisa ng Ama at ng Anak. Hindi nito itinuturo na silang dalawa ay iisang Diyos.
Sa anong gawain iisa o nagkakaisa ang Ama at ang Anak? Sa pangangalaga ng mga tupa. Tunghayan natin ang mga naunang pahayag ni Cristo bago pa siya nag-conclusion na “Ako at ang Ama ay iisa”:
27 Dinirinig ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila’y aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa akin;28 At sila’y binibigyan ko ng walang hanggang buhay; at kailan ma’y hindi sila malilipol, at hindi sila aagawin ng sinoman sa aking kamay.29 Ang aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa akin, ay lalong dakila kay sa lahat; at hindi sila maaagaw ninoman sa kamay ng Ama.
Ang Ama at Anak ay nagkakaisa sa gawaing pangangalaga ng mga tupa. Kung paanong hindi maaagaw ninuman sa kamay ng Anak ang mga tupa ay gayundin hindi maaagaw ninuman ang mga tupa sa kamay ng Ama, kaya ang Anak at Ama ay nagkakaisa sa gawaing ito.
Aling talata sa aklat ni Juan na ginamit din ang terminong ISA, na sa Greek New Testament, ito ay ang neuter form na “en”? Sa Juan 17:23 ay ganito ang nakasulat:
23 Ako’y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila’y malubos sa pagkakaisa (DS).
23 Ako’y sa kanila at ikaw ay nasa akin, upang sila’y maging ganap na isa (ABAB).
23 Ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa (MB).
23 Ako’y sa kanila at ikaw ay nasa akin, upang sila’y maging ganap na isa (ABAB).
23 Ako’y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa (MB).
Sa talatang ito ay nananalangin ang ating Panginoong JesuCristo. Ang panalangin niya ay para sa mga ibinigay sa kaniya ng Ama (Juan 17:9) na ito ang tinawag ng Diyos upang makipag-isa sa kaniya (1 Corinto 1:9 MB). Ang mga tinawag ay nasa isang katawan (Colosas 3:15) na ito ang Iglesia na si Cristo ang ulo (Colosas 1:18). Ang Iglesiang ito ay ang Iglesia Ni Cristo (Roma 16:16 NPV).
Kaya nanalangin si Cristo na ang mga Iglesia Ni Cristo ay maging ganap na isa, lubusan na maging isa, o malubos sa pagkakaisa sa Juan 17:23. Ang terminong ISA sa Griyego na ginamit sa talatang ito ay EN na ito rin ang ginamit sa Juan 10:30.
Ano rin ang pagkaunawa ng mga Bible scholars na sumuri ng talatang ito? Ano ang pagkakagamit ng neuter form na “en” sa talatang ito?Christ himself is in unity with the Father and brings his own into the same fellowship (John 17:23). (from Theological Dictionary of the New Testament, abridged edition, Copyright © 1985 by William B. Eerdmans Publishing Company).
Kaya kahit mga bible scholars ay nagpapatunay na ang terminong EN sa talatang ito ay UNITY o PAGKAKAISA ang tinutukoy. Ito rin ang tinutukoy ng salitang EN na ginamit sa Juan 10:30 upang ipakita ang PAGKAKAISA ng Ama at ng ating Panginoong JesuCristo.
ANG MGA KATUNAYAN SA BIBLIA NA HINDI IISANG DIYOS ANG AMA AT ANG ANAK
Anu-ano ang mga pahayag ng ating Panginoong JesuCristo na nagpapatunay na hindi sila iisa sa kalagayan ng Ama, hindi rin sila iisa sa kapangyarihan at lalong hindi sila iisang Diyos?
Juan 8:16
16 Humatol man ako, tama ang aking hatol, sapagkat hindi lamang ako ang humahatol, kundi ako at ang Amang nagsugo sa akin (MB).
16 At kung ako’y humatol man ang hatol ko’y totoo, sapagkat hindi ako nag-iisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin (ABAB).
16 But even if I do judge, My judgment is true and My decision is right; for I am not alone [in making it], but I and the Father who sent Me [make the same judgment] (AMPLIFIED BIBLE).
Juan 8:29
29 At siya na nagsugo sa akin ay kasama ko, hindi niya ako binayaang nag-iisa; (ABAB).
29 At kasama ko ang nagsugo sa akin; hindi niya ako iniiwan; (MB).29 And He who sent Me is with Me; He has not left Me alone,(NASB).
Juan 14:28
28 Sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin (ABAB).
28 Sapagka’t ang Ama ay lalong dakila kay sa akin (DS).
28 because the Father is greater than me (CEB).
Juan 17:1, 3
Ama . . . na ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesu-Cristo na iyong sinugo (ABAB).
Father . . . You are the only true God. If they know you, and Jesus Christ whom you sent, they will live for ever (Worldwide English New Testament).
Kaya napatunayan natin sa maikling pag-aaral na ito na hindi si Cristo ang nag-iisang tunay na Diyos kundi ang Ama. Hindi rin sila iisang Diyos ng Ama. Ang pagkakaisa nila ng Ama ang tinutukoy niya nang sabihin niya na “Ako at ang Ama ay iisa” sa Juan 10:30.Kapag tinanggap natin ang aral na ang Ama lamang ang iisang tunay na Diyos at si Cristo ay sinugo ng Ama, ito ang ikapagtatamo natin ng buhay na walang hanggan. (2023)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento