infolinks

Huwebes, Oktubre 1, 2015

Bakit hindi humaharap sa mga debate ang PAMAMAHALA?

Matagal ng paulit-ulit na tanong ng marami, lalo na sa panig ng ADD (Ang Dating Daan). Upang kanilang maunawaan, ay bigyan po natin ng iilang tugon ukol dito. Ganito ang sabi ng maraming isip na nasa INBOX din natin:
" Bakit hindi kailan man lumaban sa debate ang Pamamahala sa Iglesia sa hamon ni Soriano na puno sa puno? bakit ang ihaharap ninyo ay mga ministro at hindi ang founder nyu !.... "
SAGOT:
Maraming beses na po nasagot ng IGLESIA NI CRISTO ang issue na ito. Inuulit po namin, HINDI po "PUNO NG IGLESIA" ang pamamahala ng Iglesia ni Cristo, kundi ang kinikilala namin ay si Cristo:
Juan 15:5" AKO ANG PUNO NG UBAS, KAYO ANG MGA SANGA: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. "
SINO RAW? Ang sabi, ang TANGING PUNO ng tunay na Iglesia ay si "CRISTO" lamang. Napakalinaw po ng PAHAYAG ng Biblia kaya pala hindi ito alam ng ating mga kaibigan sapagkat sila'y hiwalay kay Cristo at hindi sila ang mga sanga ni Cristo, ano ang sabi sa hiwalay kay Cristo?
" sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. "
Ganito pa ang ibang patotoo ng Biblia:
Hebreo 3:6 DATAPUWA'T SI CRISTO, gaya ng anak AY PUNO SA BAHAY NIYA; NA ANG BAHAY NIYA AY TAYO, kung ating ingatang matibay ang ating pagkakatiwala at pagmamapuri sa pagasa natin hanggang sa katapusan. "
Malinaw na si CRISTO lamang ang PUNO ng BAHAY, at ang BAHAY niya ay TAYO. At ang BAHAY sa kabuuan ay ito ang IGLESIA [1 Tim.3:15]. Ang mga tao na miyembro dito ay marami, at sila ay tatawagin sa isan lamang na KATAWAN [1Cot.12:27; Roma 12:5] . At siyempre ang KATAWAN ay ang Iglesia parin [Col.1:18].
Kung gayon:
● PUNO - Cristo
● MIYEMBRO/SANGA/BAHAY/KATAWAN - TAYO
Malinaw na po ngayon sa LAHAT at nauunawaan na natin na ang tunay na kinikilalang PUNO ng tunay na Iglesia ay walang iba kundi si Cristo. Kung ang ibang relihiyon na ang kanilang puno ng kanilang Iglesia gaya ng ADD na si Mr. Eli Soriano, ay patotoo lamang na maling pagkilala nila sa tunay na PUNO na walang iba kundi si Cristo.
Puntahan natin ang ukol sa pagharap ng debate. Sa totoo po nito, simula't simula ng pagsisimula ng pagbangon ng Iglesia ni Cristo noong 1914 ay nagsisimula lamang sa iisang tao, na si kapatid na Felix Manalo. Noon ay hindi pa gaanong malawak at malaki ang naaabot ng Iglesia ni Cristo, at ang Kapatid na Felix ay sumabak sa iba't ibang uri ng debate mula sa hamon ng iba't ibang relihiyon sapagkat nais nilang hadlangan ang pangangaral ng kapatid. Samakatuwid, ang pamamamahala sa pagsisimula ng Kapatid na Felix mula noong pagbangon ng Iglesia ay nakaharap na sa mga public debate, sapagkat isa sa madaling paraan noon ng pakikinig ng tao upang maikumpara ang mga aral sa iba't ibang relihiyon.
Sa patuloy na pagtatagal ng Iglesia ay mas lalong lumawak ito hanggang sa nakarating sa ibayong dagat, sa iba't ibang bansa na dati'y wala pang Iglesia ni Cristo, Kaya naman sa kapanahunan mula sa Pamamahala ng Kapatid na Erano G. Manalo ay laganap na ang Iglesia sa napakaraming bansa. Kaya naman sa patuloy na pagdami ng kaanib ay nagkaroon naman ng iba't ibang tungkulin sa loob ng Iglesia kasama na rito ang patuloy na pagdami ng mga Ministro at Manggagawa upang magkaroon ng kaagapay at katulong ang Pamamahala sa patuloy na pagsinop sa kabuuan ng Iglesia. Kaya naman natupad ang sabi sa Biblia na maglalagay ng iba't ibang tungkulin na may ibat ibang gampanin kung saan kanilang gagampanan :
Roma 12:4 Sapagka't kung paanong sa isang katawan ay mayroong tayong maraming mga sangkap, at ang lahat ng mga sangkap ay hindi pareho ang gawain:
Roma 12:5" Ay gayon din tayo, na marami, ay iisang katawan kay Cristo, at mga sangkap na samasama sa isa't isa. "
Roma 12:6" At yamang may mga kaloob na nagkakaibaiba ayon sa biyaya na ibinigay sa atin, kung hula, ay manganghula tayo ayon sa kasukatan ng ating pananampalataya "
Roma 12:7" O kung ministerio, ay gamitin natin ang ating sarili sa ating ministerio; o ang nagtuturo, ay sa kaniyang pagtuturo "
Roma 12:8" O ang umaaral, ay sa kaniyang pagaral: ang namimigay, ay magbigay na may magandang-loob; ang nagpupuno, ay magsikap; ang nahahabag ay magsaya. "
Kaya, ang tunay na IGLESIA ay tunay at totoong isinasagawa ang lubos na kaayusan sa lahat ng panahon [1Cor. 14:40], lalo na sa mga gampanin sa loob ng Iglesia sa patuloy na paglawak nito. Kaya sa mga kabilaang hamon ukol sa "DEBATE" ay may itinalaga din naman ang Iglesia na sila ang may basbas/tungkuling haharap sa anumang hahamon sa Iglesia ukol dito.
PANGUNAHING LAYUNIN/GAWAIN NG PAMAMAHALA
Kung gayon, ano ang pangunahing gawain at layunin ng Pamamahala ? Ang layuning madala ang Iglesia sa kaniyang sakdal at nagniningning sa kaluwalhatian lalo na sa paghahanda sa araw ng muling pagparito ni Cristo. Sa patnubay at kapangyarihan ng katotohanan na nakasulat sa Biblia na ang isa sa mga PANGUNAHING DAHILAN NG PAGLALAGAY NG DIOS NG PAMAMAHALA SA IGLESIA AY PARA SA IKATITIBAY NITO [ Efeso 4:11-12; 2Cor. 10:8].
Laging walang sawa sa pagpapaalaala sa lahat ng mga kaanib sa Iglesia na habang papalapit ang dakilang araw na iyon ng ating kaligtasan, nasasaksihan nating natutupad ang ibinabala sa Banal na Kasulatan na lalong lulubha ang mga kahirapan at kasamaan sa mundo. Ito'y magiging sanhi rin ng PANLALAMIG NG PAGIBIG NG MARAMI at KAWALANG SIGLA sa paglilingkod sa Dios [Mat. 24:7,12]
Tunay nga na sa mga huling araw, ang pinakamahigpit na kalaban "ang diablo" ay gagamit ng bawat pandaraya at lahat ng masasamang kaparaanan UPANG PINSALAIN ANG PANANAMPALATAYA NG MGA TUNAY NA CRISTIANO. Alam na alam niyang kakaunting panahon na lamang ang nalalabi sa kaniya upang kaniyang maisakatuparan ang pinakamapinsalang layunin "ANG MAHADLANGAN ANG MGA LINGKOD NG DIOS SA PAGTATAMO NG KALIGTASAN" [Apoc.12:12]. Upang lalong maipakita ang pagiging desperado o kawalan ng pag-asa ng ating kaaway na lalong nag uumigting sa pagsisikap na maisagawa ang kaniyang pangunahing layunin ay itinulad siya ng Biblia sa "LEONG UMUUNGAL...GUMAGALA NA HUMAHANAP NG MASISILA NIYA " [1Ped. 5:8] . Ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang alisin ang mga salita ng Dios sa puso ng mga sumasampalataya [Luc.8:12].
Dahila dito, upang mapalakas ang kakayahan ng mga kaanib sa Iglesia na maipagsanggalang ang kanilang pananampalataya laban kay satanas, ay BUONG SIGASIG AT WALANG KAPAGURANG dumadalaw sa mga lokal ng Iglesia sa BUONG MUNDO ang Tagapamahalang Pangkalahatan, at nagtuturo ng buong karunungan sa bawat isa sa pamamagitan ng leksiyong espirituwal na buong alab niyang itinuturo sa mga pagsamba. Walang tigil ang paghikayat niya sa lahat ng mga hinirang ng Dios na " MAKIPAGLABANG MASIKAP DAHIL SA PANANAMPALATAYA " [Judas 1:3], o " MAKIPAGBAKA... NG MABUTING PAKIKIPAGBAKA SA PANANAMPALATAYA " upang makapanangan sila "sa buhay na walang hanggan" [1Tim. 6:12]
Samakatuwid, ang isip at layunin nila lalo na ngayong NAPAKALAKI ng LAWAK na naabot ng Iglesia ay ang MADALA SA MATAAS na uri ang Iglesia, sa lalong ikatitibay ng PANANAMPALATAYA ng lahat ng kaanib. Kaya ang pag-iisip ng maling isipan kung bakit hindi lalaban ang Pamamahala sa debate ay mga maling paratang. Kaya nga upang matugunan ang kanilang hamon ay NAGLAGAY ang Pamamahala na tutugon doon at dala ang PANGALAN ng IGLESIA kung sakaling haharap sa anomang hamon at WALANG inuurungan ang Iglesia Ni Cristo kung sakaling may maglakas ng loob na haharap dito, sapagkat mas lalong maihahayag ng Iglesia ni Cristo sa hindi pa kaanib kung ano nga ba ang tunay na aral na dapat sampalatayanan ng tao, upang siya'y mapabilang sa tunay na ililigtas pagdating ng araw ng muling pagbalik ni Cristo. 2023

PAGSUSUOT NG ALAHAS AT PAGPAGUPIT NG BUHOK NG BABAE BAWAL BA?


Bro, ako po ay isang Kapatid. Ako lamang ang isang INC sa aming pamilya at sila lahat ay ADD. Kanila pong tuligsa ay BAKIT DAW NAGSUSUOT TAYO NG PALAMUTI O ALAHAS SA KATAWAN, at BAKIT DAW DAPAT MAHABA ANG BUHOK NG BABAE ". Hindi ba ito nakasulat sa Biblia na pinagbabawal?
PAGSUSUOT NG ALAHAS: Bawal nga ba?
Saan ba nakabasi ang paniniwala nilang ito? Suriin po natin. Bakit Singsing ang ating ginamit sa larawan. Maaari kasi natin itanong na ang SINGSING o RING ba ay hindi isang ALAHAS? Kung ikinasal ba sa kanila ay wala ba sila nito? Ating suriin ang ilan pang patotoo mula sa Banal na Kasulatan.
Totoo na sa Banal na Kasulatan ay mababakas natin na ang mga Unang Lingkod ng Dios gaya ng Israel ay di pinagbawalang magkaroon at magsuot ng alahas at gumamit ng mga hiyas at ginto. Katunayan bago nila lisanin ang Egipto ay iniutos ng Dios. Ganito po:
Exodo 3:22
" Lahat ng babae ay manghihingi ng damit, alahas na ginto o pilak sa kanilang mga kapitbahay at sinumang babaing nandoroon. Ipasusuot ninyo ang mga ito sa inyong mga anak.." [MB]
MGA SAMPOL NG ALAHAS GAYA NG SS.
Ang alahas na tulad ng hikaw.
Exodo 32:2
" Kung gayon, tipunin ninyo ang mga hikaw na ginto ng inyong asawa't mga anak..." [MB]
Upang ipakita ng Dios ang Pag ibig niya sa Jerusalem sa ganito Niya inilarawan ang pag- ibig na Kaniyang ginawa.
Ezekiel 16:11-13
"Sinuutan kita ng pulseras sa magkabilang braso, at binigyan ng kuwintas. Binigyan din kita ng hikaw sa ilong at tainga. Pinutungan kita ng isang magandang korona. Nagayakan ka ng alahas na pilak at ginto..." [MB]
PANAHONG CRISTIANO
Nang dumating ang panahong Cristiano, sa isang talinghaga ni Jesus tungkol sa alibughang anak, nang ito ay bumalik ay ipinag utos ng ama sa alila:
Lucas 15:22
" ..Madali! Dalhin ninyo rito ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya, Suutan siya ng singsing at panyapak."[MB]
KUNG hindi pala masama o bawal ang magsuot ng alahas. Maaaring pumasok sa isipan nila ang mga katanungang ito:
Bakit sa mga unang taon ng INC ay ipinaiiwas ng Sugo ang pagsusuot ng mga alahas? Ano ang layunin? at Ano ang pinagbatayan ng Sugo sa pansamantalang pagpapapatupad nito?
Sagot. Ginamit ng Sugo ang Paraan ng mga Apostol na gatas para sa sanggol. Paano? Narito:
Hebreo 5:13-14
"Ang nabubuhay sa gatas ay sanggol pa, wala pang muwang tungkol sa mabuti't masama. Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang, na sanay na sa pagkilala ng mabuti't masama."[MB]
Sapagkat bata pa o nagsisimula pa lang ang INC ay pansamantalang ipinaiiwas ang pagsusuot ng alahas, bagama't di masama ang pagsusuot nito, ay maaari naman itong magamit sa maling layunin na dito pinag ingat ng Sugo ang Iglesia.
Sa anong layunin ng paggamit ng alahas o ginto o hiyas, tayo ay pinag-iingat kaya ito ay pansamantalang ipinapaiwas ? Ang magamit ang alahas sa pagpaparangya.
PAANO NAKAKASAMA?
Oseas 2:13
"At aking dadalawin sa kaniya ang mga kaarawan ng mga Baal, na siya niyang pinagsusunugan ng kamangyan, nang siya'y NAGPAPARANYA ng kaniyang mga HIKAW at kaniyang mga HIYAS,..."
Mali ang mga pamamaraan na ginamit upang MAGPARANGYA. Mali rin na magamit ang alahas sa PAGPAPALALO at PAGMAMATAAS.
Isaias 3:16-21.
"Bukod dito'y sinabi ng Panginoon, Sapagkat ang mga anak na babae ng Sion ay mga mapagmataas, at nagsislakad na mga may kapalaluan at mga matang nakairap, na nagsisilakad at nagsisikendeng habang nagsisiyaon, at nagpapakalatis ng kanilang mga paa: Sa araw na yaon ay aalisin ng Panginoon ang kagayakan ng kanilang mga hiyas sa paa, at ang mga hiyas ng ulo, at ang mga pahiyas na may anyong kahating buwan;
Ang mga hikaw, at ang mga pulsera,... kuwintas sa bukong bukong...ang mga singsing,.."
Ito ang dahilan kung bakit pansamantalang ipinaiiwas ng Sugo sa Iglesia Ni Cristo ang pagsusuot ng mga alahas sa mga unang taon nito. Sapagkat noon, ang Iglesia ay bata pa sa pananampalataya ay baka mahulog sa maling layunin ng paggamit o pagsusuot ng mga Alahas.
Dumating ang panahon na ang Iglesia Ni Cristo ay di nanatiling bata sa pananampalataya. Inalis na ng Sugo ang pagiiwas nito sapagkat sinasabi din naman sa Biblia.
Hebreo 5:14
"Ngunit ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang, na SANAY NA sa pagkilala ng mabuti't masama."[MB]
UKOL NAMAN SA BAWAL DAW MAGPAGUPIT NG BUHOK ANG MGA BABAE
Hindi ito naiintindihan ng ating mga kaibigan sapagkat nang mabasa lang na mahaba ang buhok ay agad ng pinagbawal. Ganito ang laman ng talata :
1 Corinto 11:15
'Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip''
Kung ating tatanungin, gaano kahaba ang isang bagay para masabi mo itong mahaba? Siyempre isang kakilakilabot at pangit tingnan na ang babae ay KALBO.
ayon po sa pag aaral nang siyensiya, ano ang kanilang masasabi ukol rito?
" The most oft-quoted average rate of human hair growth is 6 inches (15 centimeters) per year. However, the majority of studies measuring the rate of hair growth didn't take into account the race of study participants. It's known, for instance, that Caucasian hair differs from Asian and African hair in several ways, e.g., density (how closely hair strands are packed together) and the angle of hair growth.
" A 2005 study in the International Journal
of Dermatology also found a difference
among races in the rate of hair growth.
For example, Asian hair grows the fastest, while African hair grows the slowest. The average hair growth rate of Asian female participants was nearly 6 inches per year. Comparatively, African female participants' hair grew 4 inches (10 cm) per year, while Caucasian female participants' hair grew a little more than 5 inches (13 cm) per year.
" The hair growth rate of the male participants didn't significantly differ from that found for women. "
kung ang isang babae ay inialis sa kanya ang pagpapagupit nang 10 taon gaano na kahaba ito? 60inch mula sa pag ka kalbo..
mga LIMANG TALAMPAKAN siguro ito. papaano kung mababa ang taas nang
isang babae papaano kung sa sitwasyong
iyon ay na tatapakan na niya nang kanyang buhok sa kahabaan nito? maari po ba itong matawag na kaayusan GAYON sa biblia may utos :
1 Corinto 14:40
''Datapuwa't gawin ninyong may karapatan at may kaayusan ang lahat ng mga bagay.''
Samakatuwid, isang pagsunod sa kaayusan ang pagpaputol o pagtrim ng buhok na isang angkop sa isang tao na babagay sa Kaniya upang maging maayos at maganda sa paningin ng tao, higit sa lahat ay sa harap ng Dios. Ating balikan ang nasa unahan ng talata na ginamit nila upang mas mapalinaw :
1Corinto 11:10
" Dahil dito'y nararapat na ang babae ay magkaroon sa kaniyang ulo ng TANDA NG KAPAMAHALAAN, dahil sa mga anghel.
Ang tanda ng kapamahalaan yung BUHOK
o yung LAMBONG. Ano ba yung lambong?
1Corinto 11:15
" Datapuwa't kung ang babae ang may mahabang buhok, ay isang kapurihan niya; sapagka't ang buhok sa kaniya'y ibinigay na pangtakip ".
Yung buhok ginawang pantakip sa ulo. ang tanong, kung may babae at ginupit niya split ends niya at nagpagupit siya hanggang baywang o balikat ibig bang sabihin WALA na siyang lambong? Diba't may lambong pa rin siya? Diba't MAHABA pa rin yun ayun sa pag-aaral? Paano kung pina hot oil niya pa? paano kung pina rebond ? diba't mas maganda lambong niya. Gaya ng sinasabi sa 11:15 ang buhok ay bilang Pantakip. Kaya ang tanong natin, MAY BUHOK paba ang tawag doon?
Kung ang sagot meron pa rin edi tapos ang usapan. Kung ang sagot wala, aba e baka iba na kausap mo na sumagot... (2023)

Ilan Ang Tunay na Diyos ayon sa Bibliya?

Maraming Relihiyon ngayon ang nagsasabing si Cristo daw ay Diyos. Sa makatuwid, Dalawa na ang Diyos nila? Ang Ama at ang kanyang anak na si Cristo. Ating suriin, ilan ang tunay na Diyos ayon sa Bibliya?
"Kung ang Ama ang iisang Diyos ayon sa inyong doktrina, bakit ang nakasulat sa Awit 82:1 at 6 ay "siya'y humahatol sa gitna ng MGA DIYOS" at "Kayo'y MGA DIYOS".? At bukod dito, Ano naman ang pinagkaiba kung mayroong maraming tunay na diyos? hindi ba masmabuti kung maraming diyos? tulad ng kasabihang "the more the merrier"?"
Awit 82:1,6 "Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya'y humahatol sa gitna ng mga dios.
Aking sinabi, Kayo'y mga dios, at kayong lahat ay mga anak ng Kataastaasan."
Ang salitang "mga diyos" sa talatang ito ay tumutukoy sa mga taong inilagay ng Diyos bilang mga hukom at mga pinuno sa bayang Israel. Sa panahon ng bayang Israel, ang mga hukom ay tinatawag na "mga diyos" bagaman sila ay mga tao. Sila'y tinatawag na "mga diyos" hindi dahil sa sila ay mga tunay na diyos sa kalikasan, kundi sila'y itinalaga ng Diyos upang isagawa ang paghatol ng Diyos sa kaniyang bayan. Ang halimbawa nito ay ang nakasulat sa Exodo 21:6, ganito ang ating mababasa:
Exodus 21:6 "then his master shall bring him unto God, and shall bring him to the door, or unto the door-post; and his master shall bore his ear through with an awl; and he shall serve him for ever." American Standard Version
sa Filipino:
"Kung magkagayo'y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa Dios, at dadalhin siya sa pinto, o sa haligi ng pinto; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas; at paglilingkuran niya siya magpakailan man."
Ganito ang pagkakasalin naman ng King James Version sa ganun ding talata:
Exodus 21:6 "Then his master shall bring him unto the judges; he shall also bring him to the door, or unto the door post; and his master shall bore his ear through with an aul; and he shall serve him for ever." King James Version
sa Filipino:
"Kung magkagayo'y dadalhin siya ng kaniyang panginoon sa mga hukom, at dadalhin siya sa pinto, o sa haligi ng pinto; at bubutasan ng kaniyang panginoon ang kaniyang tainga ng isang pangbutas; at paglilingkuran niya siya magpakailan man."
Pansining mabuti na ang salitang "diyos" sa talata ay ginamit upang tumukoy sa "mga hukom". Sa parehong kaparaanan, ang "kapisanan ng Diyos" na binanggit sa Awit 82:1 at 6 ay tumutukoy sa mga hukom ng bayang Israel-at hindi sa maraming mga diyos na para bagang mayroong higit sa isang Diyos. Isa pang katunayan na ang salitang "mga diyos" sa Awit 82:1 at 6 ay tumutukoy sa mga hukom ay ang katotohanan na sila'y hinatulan ng tunay na Diyos na sila ay mangamamatay tulad ng tao:
Awit 82:2,7 "“Dapat ninyong itigil na, paghatol na hindi tama, Tumigil na ng paghatol na panig sa masasama.
Ngunit tulad nitong tao, lahat kayo’y mamamatay; Katulad din ng prinsipe, papanaw ang inyong buhay." Magandang Balita Biblia
Ang "mga diyos" sa Awit 82:1 at 6 ay hindi maaaring gamitin upang patotohanan lamang ng pagkamarami ng diyos. Ang paniniwala sa maraming diyos ay sumasalungat sa mga itinuturo ng Bibla na mayroon lamang iisang Diyos bagama't maraming tinatawag na mga diyos, sa mga tunay na Christiano ay iisa lamang ang Diyos:
1 Corinto 8:5-6 "Bagamat may sinasabing mga diyos sa langit o sa lupa, at maraming tinatawag na “mga diyos” at “mga panginoon,”
sa ganang atin ay iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo’y nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Jesu-Cristo, at sa pamamagitan niya’y nilikha ang lahat ng bagay at sa pamamagitan din niya’y nabubuhay tayo." Magandang Balita
Sapagkat ito ang ipinahayag mismo ng Diyos sa kaniyang mga nilalang:
Isaias 46:9 "Dili-dilihin ninyo Ang matagal nang nakaraan. Inyong kilalaning ako lamang ang Diyos, At liban sa akin ay wala nang iba." Magandang Balita
Ang Diyos na ang nagpakilala sa kaniyang sarili na Siya lamang ang dapat nating kikilalaning Diyos at liban sa kaniya ay wala ng iba. Paano kung kumilala tayo ng ibang Diyos maliban sa Ama?
Exodo 20:3 "Huwag kayong magkakaroon ng ibang diyos, maliban sa akin." Magandang Balita
Maliwanag na mahigipit na pinagbabawal ng Diyos sa kaniyang mga lingkosd na kumilala ng ibang diyos maliban sa kaniya. Sapagkat malinaw Niyang ipinahayag na Siya lamang ang Diyos at wala ng iba.
Napakahalaga sa isang tao na magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos. Ayon sa ating Panginoong Jesucristo na ang sumampalataya at kilalanin na ang Ama ang iisa at tunay na Diyos ay may buhay na walang hanggan:
Juan 17:1,3 "Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, "Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya.
Ito ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo." Bagong Magandang Balita
Sa kabilang banda, sa mga taong hindi wasto ang pagkakilala tungkol sa Diyos ay paparusahan:
2 Tesalonica 1:8-9 "Na maghihiganti sa hindi nagsisikilala sa Dios, at sa kanila na hindi nagsisitalima sa evangelio ng ating Panginoong Jesus:
Na siyang tatanggap ng kaparusahan, na walang hanggang kapahamakang mula sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kaniyang kapangyarihan."
Ang tunay na Christiano ay kumikilala lamang sa iisang Diyos, walang iba kundi ang Ama lamang sapagkat ito ang itinuro ng Panginoong Jesus at ipinahayag ng Panginoong Diyos. (2023)