infolinks

Sabado, Marso 14, 2015

Mathematics III

Banghay Aralin sa Matematika III
Competency #62


I. Layunin: A. Makabasa at makasulat ng fraction na katumbas ng isa
II. Paksang Aralin:
      A. Pagkilala sa mga fraction na katumbas ng isa.
III. Mga Konsepto at Kinakailangang Kasanayan: Bahagi ng fraction
                                                             Fraction na mas maliit sa isa
                                                             Konsepto ng isang buo/isa
        
IV. Mga Kagamitan: totoong bagay, fraction circles. Fraction bars, pangkulay,
                                     cut- outs
      Pagpapahalaga: Pagiging mapagbigay
                                      Ang pagkain ng prutas ay  maganda sa                                                       
                                      katawan
        
V. Gawain sa Pagkatuto
    A. Panimulang Gawain
         1. Pagganyak
                   Kumakain ba kayo ng prutas?
                   Anong prutas ang kinakain ninyo?
                   Bakit kailangan nga ating katawan ang prutas?

     B. Pagbabasa ng Kuwento
                       Isang araw, pumunta kami sa bukid nina Nanay, Angela, at Renz. Maraming ibat- ibang prutas ang naroon. Unang napansin ni Renz mga berdeng prutas na hugis puso sa isang malaking punong kahoy.(Ano kayang prutas ito?) Nakita naman ni Angela ang bilog na kulay dilaw.(Minsan, matamis ang prutas na ito at minsan naman ay maasin.Ano kaya ang prutas na ito. Tuwang tuwa naman ako nang nakita ko  ang paborito kong matamis na prutas.Hugis parihaba ito at may maliliit na buto sa loob .
                          “Nay, maaari po bang kainin ko na ang prutas na ito?”,tanong ko kay nanay.”Maaari mo bang bigyan ang mga kapatid mo?” tanong niya”Syempre naman po”, mabilis kong sagot.
                            Tuwang tuwa kami habang hinahati ni Nanay ang paborito kong prutas
  Mga Tanong:
1. Sino sino ang pumunta sa bukid?
2. Sino ang gustong kumain ng papaya?
3. Magandang ugali ba ang pagbibigayng pagkain sa kapwa?
4. Sa ilang bahagi hinati ang papaya?
5. Kung ang isang bahagi ng papaya ay ibinigay kay Renz, anong bahagi ito ng prutas?(1/4)
6. Ano ang tawag  natin sa 4 na bahagi ng papaya?(4/4)

C. Pagtalakay
1. Paano natin isusulat ang four- fourths? Alin ang denominator? ang
     numerator?
2. Ang 4/4 ba ay katumbas ng 1 buo?
3. Magpakita pa ng ibang paghahati gamit ang mga prutas na nakuha nila sa
    bukid .(2/2/,3/3)  
4. Ipasulat ang mga fraction sa figures at pasallita.
5. Pag-aralan ang mga sumusunod na fraction: 2/2, 3/3, 4/4.
    Ano ang masasabi mo sa mga fraction?
   
D. Pangkatang Gawain
     1. Ipamahagi ang cut- outs ng mga bagay ng  ibat- ibang laki ng hati.
     2. Ipahanap sa kanila ang kaputol na  bahagi ng kanilang nakuhang cut-
         out.
     3. Itanong sa kanila ang katawagan sa nabuong fraction mula sa cut- out. n
     4. Ang mga ito ba ay katumbas ng isang buo?

E. Pagpapayaman ng Kasanayan
    1. Ipakita ang cut- outs sa board.
    2. Gamit ang cut- outs, ilang bahagi natin ito hinati?
    3. Isulat at basahin ang mga fraction sa numerals at sa pasalita.
    4. Ipakilala sa mga bata ang konsepto na katumbas ng isang buo ang 6/6,
        5/5/ at iba pang tulad nito.
 

F. Pagpapatibay ng Konsepto
          Gawain 1
Pumili ng fraction na nasa tray (fractio circles/fraction bars) at sabihin kung ang mga bilang ay fraction na katumbas ng isang buo.
1. Bakit hindi ito naging magkatumbas/magkasinlaki?
2. Bakit ito naging magkatumbas/magkasinlaki?
          Gawain 2
               Ipamahagi ang fraction words at figures. Magsasabi ang guro ng fraction. Pupunta  at maglalapit sa unahan ang dalawang bata na may hawak ng magkaparehong fraction.
               2/2 two-halves
               3/3 three-thirds
               4/4 four- fourths
               5/5 five- fifths
               6/6 six- sixths
           Gawain 3
           Ipatukoy sa bata kung alin sa mga sumusunod ang katumbas ng isang buo.
            1.



          Gawain 4
             A.  Ipamahagi ang cut-outs na pabilog at parisukat sa mga bata.
               Kulayan at isulat ang simbolo sa mga fraction na sumusunod.
                 1. 4/4      2. 5/5    3.    2/2      4. 2/2       5. 6/6
              B. Bilugan ang mga fraction na katumbas ng isa/isang buo.
                   1. 2/4, 2/3, 4/8, 4/4
                   2. 5/5, 4/6, ¾, 4/5
                   3. 6/7, 4/8, 3/3, ¾
                   4. 3/5, 6/6, 6/8, 4/7
                   5. 2/3, 6/8, 8/8, 5/8
VI. Pagbubuod
         Paano natin malalaman na ang fraction ay katumbas ng isa/isang buo?
     (Ang fraction ay katumbas ng isa/isang buo kapag ang numerator at
      denominator ay magkapareho.)
  
VII. Gawaing Bahay
            Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ang mga sumusunod na fraction.
      1.  8/8                     2. 10/10       3. 9/9        4.   12/12         5. 15/15





Banghay Aralin sa Matematika III
Competency #63


I. Layunin: A. Mailarawan at matukoy  ang mga fraction na higit/mas malaki sa
                       isa.
                   B. Mabasa at maisulat ang mga fraction na higit/mas malaki sa isa.
II. Paksang Aralin:
      A. Pagkilala sa mga fraction na katumbas ng isa.
III. Panimulang Kailangang Kasanayan:
                     Fraction na mas maliit sa isa
                     Konsepto ng katumbas ng isa/isang buo
      Pagpapahalaga: Pakikipagkapwa
IV. Mga Kagamitan: pangkulay,  cut- outs
      Sanggunian: Teacher’s Guide 234-237
                             BEC PELC II A1.4 
V. Gawain sa Pagkatuto
    A. Panimulang Gawain
         1. Pagsasanay
                             Isang araw, masayang-masaya ang klase ni Bb. Ann sa kanilang klase. Naglalaro sila ng “Climbing a Ladder”.
               -Pangkatin ang klase sa 2.
                 -Bawat miyembro ay isa isang magtsetsek
               -Magbigay ng panuto sa pagsasagawa ng laro upang maiwasan ang
               sakitan.
               -Ang unang grupong makatapos at tama ang sagot ang siyang 
                mananalo.
B.Paglalahad ng Kwento
              Pagkatapos kumain, naglabas si nanay ng pakwan. Tuwang-tuwa sina Angela, Angelu at Renz sa pagkain nila ng pakwan. Pinaalalahanan sila ng nanay na magtira para sa kanilang mga pinsan. Masaya nilang pinagsaluhan ang pakwan . Matapos nilang kumain ng pakwan ito ang kanilang itinira:
 
 






           Mga Tanong:
1. Ilang pakwan ang ni nanay?
2. Nagtira ba sila ng pakwan para sa kanilang mga pinsan?
3. Ibinabahagi mo din ba ang iyong pagkain sa iba?
4. Batay sa larawan, mayroon pang isang buong pakwan na natira.Anong bahagi ng isang pakwan ang natira?
5. Sa ilang bahagi kaya hinati ang isang pakwan?
6. Anong bahagi ng 4/4 ang makikita natin sa larawan?
7.  Kung ang dalawang pakwan ay hahatiin sa apat, anong bahagi ng 2 buong pakwan ang natira? Ilang fourths ang natira?(five-fourths)
8. Paano natin isusulat ang five-fourths sa simbolo at sa pasalita?

C.  Pagpapatibay ng Gawain
     Gawain 1
        Humanap ng kapareha.
1. Ipamahagi ang ibat-ibang cut-outs.
2. Ipahanap sa kanila ang mga hugis na kapareho ng hawak nila.
3. Kapag nakita na nila ang kanilang kapareha,ipakita ito sa klase at sabihin ang fraction na nabuo.
4. Isulat ang simbolo sa board at ipabasa ang fraction. Ang fraction ba ay higit sa isa o katumbas ng isa?




                       Ang fraction ay higit sa dahil ang numerator ay mas malaki kaysa sa denominator.
5.Ano ang tawag  natin sa fraction na mas malaki ang numerator kaysa sa denominator?(improper fraction )

    Gawain 2
         Pinaguhit ni Bb. Ann ang kanyang mga eskwela ng mga fraction na nagpapakita ng improper fraction.  Kaya mo ba silang tulungan? Kunin ang inyong show me cards at iguhit ang mga ito.
   1. 5/4     2. 8/5     3. 6/4     4. 8/6     5. 9/8
    Gawain 3
          Isulat ang pangalan ng mga fraction.
     1. eight-sevenths
     2. five- halves
     3. four- thirds
     4. nine- sixths
     5. eight-eights
    Gawain 4
      Bilugan ang mga fraction na katumbas ng isa at ikahon ang mga improper fraction.
      1. 2/2     2. 4/3        3. 8/6    4. 4/4      5. 8/8


VI. Pagbubuod
             Kailan natin sinasabi na ang fraction ay improper fraction o higit sa isa.

VII. Gawaing bahay
         Iguhit ang fraction ayon sa ibinigay sitwasyon.
     Nag-uwi si Nanay ng 2 pizza. Kung kayo ay pito sa pamilya, paano hahatiin ni Nanay ang  pizza?Anong fraction ang 7 bahagi ng 2 pizza?

   

Banghay Aralin sa Matematika III
Competency #64

I. Layunin: A. Maiugnay at mapalitan ang improper fraction sa mixed numbers
                       at vice versa.
         
II. Paksang Aralin:
                   A. Pagpapalit ng improper fraction sa mixed numbers at vice versa.
                   B. Paghahambing ng halaga at paglutas sa suliranin na may  
                       kinalaman sa pera hanggang P1000.

III. Panimulang Kailangang Kasanayan: Konsepto ng isa/isang buo, fraction na mas maliit kaysa sa isa/isang buo

IV. Mga Kagamitan: cut- outs, activity sheets, show me cards


V. Gawain sa Pagkatuto
      A. Pagsagot sa Gawaing Bahay
                  Ipakita ang illustration ng fraction sa sumusunod na sitwasyon.
            Nag-uwi si Nanay ng 2 pizza. Kung kayo ay pito sa pamilya, paano
         hahatiin ni Nanay ang  pizza?Anong fraction ang 7 bahagi ng 2 pizza?
         1. Ilang pizza ang iniuwi ni Nanay?
         2. Ilang bahagi niya hinati ang pizza?
         3. Bakit hinati niya ito sa apat?(Upang magkaroong magkakasinglaking    
             pizza ang mga bata)
         4. Anong fraction ang pitong bahagi ng pizza?seven- fourths
     B.Pagtalakay
          1. Paano natin isusulat ang seven- fourths sa figure?sa pasalita?
          2. Tumawag ng bata upang ipakita ang iginuhit niyang 7/4.
          3. Ilang buong pizza ang inyong  nakikita?
          4. Paano natin ilalarawan ang nakaguhit?(1 buong pizza at ¾ pizza)
          5. Isulat ang 1 buo at ¾ sa board.(Ito ang ibang paraan ng pagsusulat ng  
              fraction na higit sa isa at tinatawag itong mixed number.
           6. Magkapareho ba ang 1 and ¾ at 7/4? (Oo)
     C. Pagpapatibay ng Gawain
                   Gawain 1
            1. Ipamahagi ang cut out na may ibat-ibang bilang ng hati.
            2. Ilagay sa isang tray ang ibat-ibang  cut- out na nakasulat ang
                fraction sa figures at tumawag ng bata upang basahin ang pangalan     
                ng  fraction.
            3. Magbigay  pa ng ibang halimbawa sa pamamagitan ng cut-outs.(5/3,  
                7/4, 8/4,7/6, 5/4)
            4. Ipabigay ang mixed form ng fraction ng mga cut-outs.
            5. paano natin malalaman na ang ipinakikita sa cut- outs ay 1 3/5?( Sa
                pamamagitan ng bilang ng isang buo at ang may kulay na bahagi.)
            6. Isa pang paraan ng pagbiibigay ng mixed form ay sa pamamagitan
                ng pagtingi sa illustration at pagbibilang ng may kulay na bahagi.

         Gawain 2
                 Ito ang isa pang paraan ng pagbibigay ng mixed form.
            1.Ipakita sa pamamagitan ng pagdidivide ng numerator sadenominator.
                8÷5=1   5/3 (Ang quotient na 1 ay ang whole number at ang remainder   
                na 3 ay ang magiging numerator at ang divisor na 5 ay ang
                denominator.)
            2. Pasagutan ang iba pang improper fractions sa kanilang show-me   
                cards.

     D.Pagtalakay:
             1. Atin namang palitan/gawing improper fraction ang mixed forms.
                 Imultiply ang 5 na divisor sa quotient na 1upang makuha ang 5, i-add
                 ang remainder na 3 para maging 8(ito ang numerator at ang divisor
                 na 5 ang denominator).
             2. Batay sa dalang 2 pizza ni Nanay na 7/4, ano ang katumbas nito sa
                 mixed form.

          Gawain 3
         Nagkaroon ng paligsahan sa pagtakbo ang klase ni Bb. Cherry.Pinangkat niya ito sa 4 na grupo.Bawat pangkat ay binigyan ng road map upang palitan nila ang improper fraction sa mixed form o vice versa bago nila marating ang finish line. Matutulungan mo ba sila?
 













VI. Paglalahat
          Paano natin papalitan/gagawing  improper fraction ang mixed number?mixed number sa improper fraction?


VII. Gawaing Bahay
         Gawing improper/mixed form.
       a. 1 ¼   b. 1 1/8     c.   9/8      d.  10/7     e. 4/3







                                                
Banghay Aralin sa Matematika III
Competency #65

I. Layunin: A. Mailarawan at makilala ang dissimilar fractions.
II. Paksang Aralin:
                   A. Pagkilala at paglalarawan sa dissimilar fractions.                 
III. Panimulang Kailangang Kasanayan: Konsepto sa similar fractions
IV. Mga Kagamitan: activity sheets,
     Pagpapahalaga: Pagiging matipid
V. Gawain sa Pagkatuto
           A.Balik-aral
                       Kahapon,kumain ng pizza ang mga bata. 2/4  na pizza ang
               kinain ni Sophia, ¾ ang kay Diane at ¼ ang kay Thorence.
               1. Isusulat ng guro ang 2/4, ¾ at ¼ sa board.
               2. Ano ang napansin ninyo sa denominators ng mga
               fraction?(magkakapareho)
               3. Kapag ang denominators ng isang fraction magkakapareho ang  
               tawag sa kanila ay similar fractions. (magpabigay ng iba pang mga
               similar fractions
              B. Paglalahad ng Kwento
                                Isang Sabado, nanonood ng TV ang 3 magkakapatid.
              Binilhan sila ng kanilang nanay ng paborito nilang mini cakes.1/6 na
              bahagi ang nakain ni Myra, 2/8 naman ang kay Ailan at halos maubos
              ni Lester ang kanyang cake dahil nakain niya ang ¾ nito.
               1. Ano ang ginagawa ng magkakapatid noong Sabado?
              2. Ano ang binili ni nanay para sa kanila?
              3. Anong bahagi ng kanyang cake ang kinain ni Myra?ni Ailan?ni
                  Lester?
            C. Pagtalakay
               1. Isusulat ng guro ang mga fraction name na binanggit sa kwento.
               2. Ano ang napapansin ninyo sa mga fraction?
               3. Anong uri ng fraction ang  mga ito?(proper fractions)
               4. Paano natin malalaman na proper fraction ang mga ito?
               5. Ano ang napansin ninyo sa mga denominator?(Ang mga
                   denominator ay magkakaiba.)
               6. Kapag ang mga fraction ay may magkakaibang denominators,
                   tinatawag silang dissimilar fractions.
                7. Pagbigayin ang mga bata ng iba pang halimbawa ng dissimilar
                   fractions.

            D. Pagpapatibay ng Gawain
                 Pangkatang Gawain
                     Gawain 1
                             Naglalakad si Raven pauwi ng bahay, iniisip niya ang kanyang takdang aralin. Pinagsusulat sila ng kanilang guro ng mga dissimilar fraction. Habang siya ay naglalakad nakita niya ang mga sumusunod: 4/5, 3/8, 2/4, 1/5, 1/7, 8/9, 5/10, 3/5, 9/12, 2/5 at 5/15)
                          Isinulat ito ni Raven at nag-isip siya kung alin ang dissimilar .Tulungan natin siyang paghiwalayin ang mga fractions sa 2 hanay.

Similar Fractions
Dissimilar Fractions




               Gawain 2
                        Tingnan ang mga illustration.Lagyan ng tsek kung ang mga sumusunod ay dissimilar fraction.
                 1.                                      
                 2.



 


                  3.
               












                  4.          















                  5. 



                   Gawain 3
                         Bilugan lahat ng dissimilar fraction sa bawat bilang.
               1. 4/5, 2/4, 1/5, 5/8, 1/6
               2. 2/4, 7/8, 8/8, 5/6, 3/9

               3. 5/4, 6/8, 5/6, 1/3
               4. 6/8, 5/7, 3/5, 2/8,5/5
               5. 4/8, 9/10, 5/6, 4/6

VI.  Paglalahat
            Paano natin malalaman na ang fraction ay dissimilar?

VII. Gawaing Bahay
             Iguhit ang sumusunod na fraction. Lagyan ng tsek kung ang mga ito ay dissimilar.
   1. 5/8, 3/6
   2. 2/4, 6/8
   3. ¾, 2/4
   4. 4/5, 4/6
   5. 2/3, 3/8









Banghay Aralin sa Matematika III
Competency #66


I. Layunin: A. Mapaghambing  ang mga dissimailar fraction.
                   B. Mapagsunod sunod ang mga dissimilar fraction mula sa maliit-palaki at malaki-paliit.
II. Paksang Aralin:
                   A. Pagbasa at Pagsulat ng mga dissimilar fraction.
III. Panimulang Kailangang Kasanayan: Konsepto ng pagsusunod sunod ng
                        maliit at malaki
                        Konsepto ng paghahambing ng higit na malaki at higit na maliit
IV. Mga Kagamitan: cut-outs, activity sheets tunay na bagay(yarn)
V. Gawain sa Pagkatuto
         A. Pagsasanay
                        Hayaang mag unahan ang mga bata  sa pagsasabi  kung ang mga fraction  ay dissimilar o similar fraction.Patayuin ang mga bata sa gitna,hahakbang sila  sa bawat tamang  sasagot sila ng tama. Ang unang bata na makarating sa finish line ang siyang panalo.
          B. Pagbabasa ng kwento.
                      Pagkatapos maglaro ng magkakaibigan sa parke, nagkasundo sila na kainin na ang dala nilang meryenda.
                Ranjim- 1/10 ng cake
                Abby- 1/8 ng egg pie
                Jana- 1/6 ng pizza
            1.Paano natin malalaman kung sino sa tatlo ang may pinakamarami o pinakakaunting kinain.
             Gawain 1
                   Bigyan ng 3 cut-outs upang ipakita ang 2/10, 1/8 at 1/6. Sino ang may pinakamaliit at may pinakamalaking bahagi na kinain.
            C. Processing
                     1. Ipalagay ang mga natapos na gawain sa board.

     




                        2. Sino ang nakakuha ng pinakamalaking bahagi?pinakamaliit na bahagi?
                      3. Sa pamamagitan ng illustration agad nating makikita ang may pinakamaliit at pinakamalaking bahagi. (makikita na mas malaki ang 1/6  kaysa sa 1/10.
                      4. Sa paanong paraan pa natin malalaman na kung aling fraction ang mas malaki at mas maliit.
                       5. Tingnan ang denominator,ano ang masasabi ninyo sa 6 at 10? Mas malaki?Kapag mas malaki ang denominator, mas maliit ang bahagi nito at kapag mas maliit ang denominator, mas malaki ang bahagi.





            Gawain 2
                   Paghambingin ang mga sumusunod na fraction gamit ang > o < upang ipakita ang kanilang relasyon.
            1.3/6 _____3/4
            2. ¾ _____ 2/5
            3. 1/8 ____ 3/6
            4. 2/5 _____ 4/5
            5. 4/5 _____1/6
               1. Ano ang ginawa mo upang makuha ang sagot.
               2. Mayroon pa tayong ibang paraan upang paghambingin ang mga fraction.

        Gawain 3
               Ipamahagi sa 3 grupo ang 3 yarn na parepareho ang haba.Gumawa ng palatandaan ayon sa denominator ng mga fraction (2/6, 2/8 at 2/10)
           
          Paghambingin ang gawa ng mga bata.
Text Box:   

          1/6       2/6            3/6           4/6       5/6         6/6

 


6/6




          1/10   2/10   3/10    4/10   5/10    6/8   7/8      8/8

*                

 
 



  
8/8


 






                                                                                                                                      
                     1. Alin ang mas malaki, 2/10 0 2/8, 2/10 o 2/6, 2/8 o 2/6?
                     2. Paghambingin ang sumusunod na mga fraction maliit-palaki at malaki paliit.
  
     Gawain 4
               Pagsusunod sunod ng mga fraction mula maliit-palaki/malaki-paliit.
              Bigyan ng fraction card ang bawat bata. Tumawag ng 3 bata Upang ipakita ang fraction card na hawak nila.Hayaan ang buong klase upang pagsunod sunodin mula miliit-palaki/malaki/paliit. Ganito rin ang gawin sa iba pang natitirang mga fraction card.
     Gawain 5
             Piliin ang mga dissimilar fraction sa bawat bilang.
       1. 4/5, 2/4, 1/5, 5/8, 1/6
       2. 2/4, 7/8, 8/8,  5/6,3/9
       3. 5/4, 6/8, 5/6, 1/3
       4. 6/8, 5/7, 3/5, 2/8, 5/5
       5. 4/8, 9/10, 5/6 ,4/6                
   
IV. Paglalahat
           Maaari nating paghambingin ang mga dissimilar fraction gaya ng mga sumusunod:
              1. Pagpapakita ng fraction gamit ang mga cut-outs/drawing.
              2. Paggmit ng number line.
               
V.  Gawaing Bahay
                   Ipakita at paghambingin ang mga fraction.
          1. 2/8_____3/6
          2. 4/5 _____ ¾
          3. 2/6 ____2/5
          4. 5/10 ____3/4
          5. 3/6 _____3/5

 






 
(2023)